Tampakan copper-gold project inendorso ng mga grupong sibiko at kabataan
MANILA, Philippines - Maraming grupong sibiko at kabataan mula sa Region 12 ang nagpahayag ng suporta sa pagmimina na inaasahan nilang potensiyal na magpapaunlad sa lokal na ekonomiya sa rehiyon.
Pinangunahan ng inter-evangelical Christian community group mula sa Koronadal City at isang grupo ng transportasyon sa General Santos City kapwa sa South Cotabato ang pagÂlagda sa petisyon para sa gobyernong nasyonal upang suportahan ang panukalang Tampakan copper-gold project.
Kabilang sa sumuporta sa petisyon para sa “bago at responsableng pagmimina†ang organisasyon ng professional engineers na may mga kasapi sa South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani at mga grupong kabataan sa buong Region 12.
Sinabi ni Pia Lozano, pinuno ng professional engineers na nakabase sa Region 12 na sa tamang teknolohiya ay wastong mamimina ang yamang mineral ng lalawigan sa pamamagitan ng Tampakan copper-gold mining project.
Ayon naman kay Antonio Gonhuran, spokesperson ng local transport group sa General Santos, na sa Tampakan project ay gaganda ang takbo ng negosyo na pakikinabangan ng public transportation industry.
- Latest