^

Police Metro

Pulis na pumatay ng misis sa motel, sumuko

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkalipas ng apat na araw matapos gawin ang pagpatay sa misis sa harap ng dalawang paslit na anak noong Linggo sa loob ng isang motel ay sumuko na kahapon si PO3 Ronald Fon­tejon, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Police Security Protection Group (PSPG) sa Kuwait Embassy sa Manila.

 Lumalabas sa imbes­tigasyon na kaya pinatay ni PO3 Fontejon ang biktimang si Kylie Ann Barocca, 30, ng Tanza, Cavite ay dahil sa ayaw na umano nitong makipagbalikan at tumanggi rin magpakasal na ikinagalit ng una.

Napag-alaman na papaalis na muli si Barocca patungong Qatar, para sa inaplayan nitong lady truck driver kaya’t niyaya ito ng suspek na magsimba na lamang at isinama ang kanilang  dalawang anak.

Subalit, sa halip sa sim­bahan magtuloy ay pu­ma­sok sila sa Beehive Tra­veler’s Inn, sa Sampaloc, Maynila na kung saan dito naganap ang pamamaslang sa biktima sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang straw sa harap ng dalawang anak na paslit.

Kamakalawa ng gabi nang mapilitan  itong sumuko sa isang heneral sa PNP-Camp Crame sa Quezon City, at sa pamamagitan ni Capt. De Ocampo tinu­ngo nila ang Camp Crame at kahapon ay binitbit na sa  MPD para sampahan ng   kasong murder.

Kaugnay nito, nasa kustodiya na ng mga magulang ng biktima ang mga anak na nasa edad 3 at 4. – Ludy Bermudo, Joy Cantos

BEEHIVE TRA

CAMP CRAME

DE OCAMPO

JOY CANTOS

KUWAIT EMBASSY

KYLIE ANN BAROCCA

LUDY BERMUDO

POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

QUEZON CITY

RONALD FON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with