^

Pang Movies

Daniel, na-bash sa pagkanta sa concert ng gobyerno

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Daniel, na-bash sa pagkanta sa concert ng gobyerno
Daniel Padilla

Ginagawang isyu ng ba­shers ni Daniel Padilla ang gagawin nitong concert sa June 7, 2024 sa Davao del Norte Sports & Tourism Complex. “Pagkakaisa” ang title ng concert at tila kasama sa gagawing Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa nasabi pa ring venue. Nakalagay na date ay June 7-8, 2024, so, mauuna ang concert ni Daniel.

Ginagawang isyu ito dahil ang gobyerno sa pangunguna ni President Bongbong Marcos, House Speaker Martin Romualdez ang nasa larawan sa poster. Ang dating sa fans, present sila sa nasabing Serbisyo Fair. Nasa poster din ang dalawa pang politicians from the said place.

Ang ipinag-iingay ng bashers niya, si Leni Robredo raw ang sinuportahan ni Daniel sa last presidential elections, tapos ngayon, magko-concert siya para sa gobyerno?

Hindi pa rin maka-move on ang bashers ni Daniel at tama ang comment ng isang netizen na ang iba ngang hardcore supporters ni Leni, nag-perform na rin sa Bagong Pilipinas Pagkakaisa Concert, bakit kay Daniel, galit na galit sila?

Inalmahan at sinagot din ng fans niya ang comment na wala nasiyang career at gipit ito kaya pumayag mag-perform sa pa-concert ng gobyerno. Hintayin lang daw ang mga project niya at ‘yung isyung gipit ang aktor, hindi mangyayari ito dahil marunong siyang humawak ng pera.

Idagdag pa na may mga negosyo siya at kumikita siya rito. Plus may mga solo endorsement din siya na malaki ang talent fee. Hindi rin daw papayag ang mom nitong si Karla Estrada na maubos ang pera niya.

Bea at Dominic, nag-iiwasan!

Mabuti at hindi nagkikita at hindi nagkakasabay sa pagpunta sa Aivee Clinic ang ex-couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque. Pareho silang sa Aivee Clinic nagpupunta for their skin needs and wellness, pero hindi sila nagkikita. Ang saya siguro kapag nagkasabay sila.

Samantala, ang publiko at ang press people ang parang hindi pa nakaka-move on sa breakup nila. Lagi ‘yun ang tinatanong kay Dominic kapag nai-interview. Kahit siguro ilang ulit pa niyang sabihin na okay siya, tatanungin pa rin siya.

Sa latest na tanong sa kanya kung how is he? “Ok naman still doing fine I mean ‘yung mga ginagawa ko the usual work and travel also. I’ve been doing contents for myself for my social media mostly motorcycle and lifestyle, travel, food, dapat me time para sa sarili ‘di ba? Para maging happy, maging balance. I’m ok, am happy actually,” sagot ni Dominic.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with