^

Pang Movies

Ibang pulitiko, buong social media team ang dala sa pagtulong

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pasalamatan na lang kesa pintasan ang mga artista o celebrity na tumulong sa kasagsagan ng baha na kinuhanan ng picture o naka-uniform ng pagiging reservist nila!

Hindi natin masisisi ang mga ito kung maging proud sa ginagawa, huh! Eh kung minsan, ang mga taong nakasaksi sa kanilang pagtulong ang kumukuha ng picture o video nila at inilalabas sa social media!

Eh hindi lang naman ang mga artistang ito ang may picture ng ginawang tulong. Mas masahol pa kung tutuusin ang ibang pulitiko na buong social media team nila ang kasama, huh!

Ang mahalaga, tumulong nang taos sa puso. Walang halong kaplastikan!

Eh sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, nakabalandra sa socmed nila ang relief goods na pinamigay nila!

Malay natin, may donors at sponsors ding tumulong sa kanila sa good deed ng mag-asawa kaya in return, gusto nilang may pictures ang relief goods in the spirit of transparency, huh!

Kaya hayaan na lang natin ang mga tumutulong dahil ‘yun naman ang mahalaga at hindi ‘yung posting nila sa social media!

Sparkle, bumawi!

Bumawi ang Sparkle kay Nadine Samonte sa nangyari sa kanya noong nakaraang GMA Gala.

Ayon sa post ni Nadine, humingi na rin ng paumanhin ang Sparkle sa nangyari sa kanya.

Ang latest development kay Nadine, featured siya sa lumalabas na short video bilang ina ng tahanan na pinaaalala sa anak ang kahalagahan ng dasal bago kumain at paghingi naman ng gabay at proteksyon ng kanyang asawa sa pag-alis sa bahay.

Isa yata sa campaigns ito ng GMA tungkol sa dapat isapuso ng bawat Kapuso.

vuukle comment

NADINE SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with