^

Pang Movies

Michelle Madrigal, naka-vintage sa kasal

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mrs. Kevin Neal na pala ang dating aktres na si Michelle Madrigal. Kinasal ang dalawa last July 22 sa Travis County Courthouse in Texas.

Ibinahagi ni Michelle ang masayang balita sa kanyang Instagram Reel. Sa video, makikita ang dating actress na suot ang vintage white dress with matching veil. Habang nakasuot ng navy blue tuxedo si Kevin.

“While we still plan to celebrate our wedding with our loved ones, for now, we are overjoyed to be married. We are two people seeking the Lord to grow individually and as a couple, and to guide Anika and our future children,” sey ni Michelle.

Last June, na-engage si Michelle kay Kevin na matagal niyang tinago ang pakikipag-date.

“I’ve kept my dating life very private since my last relationship, and choosing to stay quiet this time has been the best decision. But YES I am marrying the man God sent me during my waiting season,” sey ni Michelle na divorced sa unang marriage niya kay Troy Woolfolk noong 2022.

Prince, Migs at Kirst, may pinagdal­han ng pera

Naging wise ang tatlong magkakaibigan na Sparkle hunks na sina Prince Clemente, Migs Villasis at Kirst Viray dahil nagtayo sila ng restaurant sa Quezon City na Mangan-tila na salitang Pangasinense, na ang ibig sabihin ay “kain tayo.”

Naniniwala ang tatlo na hindi forever ang showbiz kaya habang kumikita sila, nilagay nila sa resto business ang kanilang pera.

Tulong-tulong daw sila, kasama ang iba pa nilang co-owner, sa pagkonsepto sa restaurant. Si Prince, mahilig sa mga Mediterranean dishes kaya naipasok niya sa menu ang chicken biryani. Si Migs naman, naiambag ang baby back ribs at rib-eyed steak. Si Kirst naman ang nagkonsepto ng pigar-pigar at kaleskes, na lamang-loob ng baka na parang papaitan.

Busy man sa kanilang showbiz career, tinitiyak nilang nilalaanan pa rin nila ng oras ang kanilang negosyo. Kung sino raw sa kanila ang walang taping or shooting, nasa restaurant sila para mag-supervise at i-greet ang kanilang customers.

vuukle comment

MICHELLE MADRIGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with