^

Pang Movies

Vic, kakasuhan ngayon si Darryl Yap!

Salve V. Asis - Pang-masa
Vic, kakasuhan ngayon si Darryl Yap!
Vic

MANILA, Philippines — Idedemanda ngayong araw ng Eat Bulaga host at veteran actor / comedian na si Vic Sotto ang filmmaker na si Darryl Yap.

Kaugnay ito sa iprinoduce, sinulat, at inilabas na teaser ng controversial director para sa kanyang pelikulang The R*pist of Pepsi Paloma sa social media platforms kung saan direktang pinangalanan si Bossing kaugnay ng kontrobersyal na kaso.

 Ayon sa news update mula sa TV5, kung saan ipinapalabas ngayon ang Eat Bulaga, nakatakdang ihain ni Vic at ng kanyang legal counsel ang reklamo sa Muntinlupa City Regional Trial Court ngayong araw.

Nag-trending ang nasabing teaser ng pelikula ng director na nagsasangkot sa pangalan ng bidang actor sa MMFF mo­vie na The Kingdom kung saan idinadawit ang TVJ sa kontrobersyal na pangyayari sa dating sexy star na si Pepsi Paloma.

Maraming beses nang napatunayang hindi totoo ang nasabing kontrobersiya.

Kahit pa sabihing teaser lang ‘yun at iba ang nasa kaubuan ng nasabing pelikula, maraming nagalit sa ginawa ng director na direktang paninira umano dahil wala siyang hawak na konkretong ebidensya.

Rufa Mae, agad-agad sumuko pagbalik ng Pilipinas

Napaghandaan ni Rufa Mae Quinto ang pagsuko sa National Bureau of Investigation kahapon sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Kung si Neri Naig nga ay inaresto, si Rufa Mae ay sumuko.

Mahigit isang buwan na rin nang lumabas ang warrant of arrest laban sa komedyante dahil sa umano’y investment scam.

Kasama niyang bumalik ng bansa ang kanyang pamilya bandang 5 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport ayon sa mga report.

Bago ito ay may nagsabi na babalik nga siya ng Pilipinas.

Kinasuhan siya ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code kaugnay ng mga kasong isinampa ng mga investor laban sa skin care company na Dermacare.

Nauna na niyang sinabi na siya ay “biktima rin” ng diumano’y scam at naghahanap ng hustisya sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code.

Bukod sa kasong ito, sumabay dito ang problema ng kanyang mister na financial analyst, si Trevor Magallanes, na naglabas ng statement na nasa ‘process of divorce’ na sila ng sexy actress.

Malaki ang naipon ni Rufa Mae nung time na in demand siya sa showbiz kaya naman nang mag-asawa siya ay nagtayo ng negosyo sa Amerika para sa mister.

Pero nag-umpisa siyang intrigahin nang ilabas sa social media na ibinibenta niya ang kanyang two-story condominium sa Makati sa halagang P45.5 milyon - 146-square-meter condominium.

Habang sinusulat namin ito ay wala pang official statement si Rufa Mae. Pero magpapa-interview daw ito.

VIC SOTTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with