^

Pang Movies

Ate Vi, hindi nakalimot

Salve V. Asis - Pang-masa
Ate Vi, hindi nakalimot
Ate Vi

MANILA, Philippines — Iba rin talaga ang Star for All Seasons Vilma Santos. Kahit anong busy at pagod niya, dinalaw niya si Ed de Leon, ang veteran journalist na namatay bago nag-Pasko.

Very open si tito Ed ( tito ng lahat kahit hindi kamag-anak ) na iniidolo niya si Ate Vi mula umpisa niya sa pagsusulat kaya nang magkaroon siya ng chance noon na isulat ang award winning actress, ginawa niya ang lahat upang ipagtanggol ito.

Hanggang naging mas close pa sila at talagang si tito Ed ang naging tagapagtanggol ni Ate Vi sa lahat ng mga nagne-nega sa kanyang idolo.

Walang lusot sa kanya ang mga fans ni Nora Aunor na pinagsasabong noong kainitan pareho ng career ng dalawang iconic actress.

And rest is history kumbaga.

Dumalaw ang bidang actress ng pinupuring pelikulang entry sa MMFF, Univited, sa pinagdalhan ng abo ng manunulat.

Matagal-tagal din siya sa Mother Theresa Columbarium.

Gusto lang daw talaga ni ate Vi na maging happy si tito Ed.

Bukod sa pagdalaw, nauna na siyang nagpadala ng financial help sa naulila nito.

Parang walang nangyari... Maris, tinilian nang bonggang-bongga sa FanCon

Parang walang nangyaring eskandalo kina Maris Racal at Anthony Jennings nang dumalo sila sa FanCon ng Incognito noong isang araw.

Grabe ang tilian nang ipakilala siya at nang papunta siya sa stage, andaming nagpapa-selfie. Walang trace kumbaga na na-bash bash siya dahil sa landian nila ng ka-loveteam na inilabas sa social media ng ex ng actor.

Kaya naman trending agad si Maris kahapon. Pero ayan, imbes na i-booo, tinilian siya at maligaya ang fans niya.

Totoo ngang iba ang tao sa social media at iba ang fans na rumarampa sa mall para makita ang kanilang mga idolo.

Nakasama ng maka-loveteam sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, Baron Geisler and Kaila Estrada sa isang mall sa Taguig.

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with