^

Pang Movies

Sarah, malungkot ang birthday

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sarah, malungkot ang birthday
Sarah

Ipinagdiwang ni Sarah Geronimo ang kanyang ika-36 na kaarawan nitong nakaraang Huwebes, July 26. Timing naman na kakatapos lang hagupitin ng Super typhoon Carina ang Metro Manila and Luzon at marami ang naapektuhang mamamayan dulot ng baha kaya naman may halong lungkot ang selebrasyon ni Pop Star sa espesyal na araw na ito ng kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ni Sarah na nalulungkot siya para sa mga biktima ng kalamidad at ipinagdarasal niyang makabangon agad ang mga ito.

 “As I celebrate my birthday and blow out my candles, my heart also goes out to those affected by Typhoon Carina. Ipinag­darasal ko po lahat ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo at ngayon ay sinusubukang makabangon muli,” pahayag ng misis ni Matteo Guidicelli.

Kasunod nito ay pinasalamatan ni Sarah ang mga rescue teams sa ginawang pagsalba sa ating mga kababayan gayundin sa mga alagang hayop ng mga ito.

“Gusto ko rin magbigay-pugay sa ating mga matatapang na rescue teams na patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay para siguraduhing ligtas ang lahat—pati na rin ang ating mga alagang hayop. Napakalaki ng respeto ko sa mga kababa­yan natin na di pinabayaan ang kanilang mga alagang hayop sa kabila ng peligro na dulot ng bagyo,” aniya.

In-encourage rin niya ang kanyang followers na patuloy na magdasal para sa ating kababayan at tumulong sa relief operation.

Samantala, as always ay nagbigay ng sweet greetings kay Sarah ang mister na si Matteo sa kanyang Instagram account.

“HAPPY BIRTHDAY my beautiful wife!

“Wishing you all the happiness, love, smiles, joy, laughter, and music in the world!” pagbati ng aktor.

Nangako rin si Matteo na laging nasa tabi ni Sarah anuman ang mangyari.

John, inaalagaan ng anak

Naka-confine pala ngayon si John Estrada sa ospital. Makikita sa ibinaha­ging Instagram story ng anak ng aktor na si Kaila Estrada na nakahiga ang ama sa hospital bed habang nakaupo naman sa tabi nito at tila nagbabantay ang isa pa niyang kapatid na si Moira Estrada.

Kapansin-pansing may dextrose ang kanang kamay ni John.

Walang detalyeng sinabi si Kaila kung ano ang sakit ng ama pero nakangiti naman ang aktor sa larawan kaya hopefully ay hindi naman grabe ang kanyang karamdaman.

Sa kasalukuyan ay living alone si John kaya marahil ay isa rin ito sa dahilan ng kanyang pagkakasakit.

Nasa Brazil kasi ang asawa niyang si Priscilla Meirelles kasama ang kanilang nag-iisang anak. Inamin ng aktor kamakailan sa kanyang IG post na napagkasunduan nllang mag-asawa na maghiwalay na kinontra naman ng misis at sinabing hindi raw mutual ang kanilang separation.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with