Song Joong-Ki, dalawa na ang anak
Ay dalawa na pala ang anak ng Korean actor na si Song Joong-ki sa kanyang misis, ayon sa isang ulat.
Kinumpirma nga raw ng talent management team ng sikat na Korean actor na High Zium Studio na sinalubong ng aktor at ng kanyang misis na si Katy Louise Saunders ang kanilang baby boy sa Italy, ayon sa iniulat ng Korean entertainment news portal na Soompi.
May lumabas pa na isang larawan sa kanyang fanpage na kasama ng aktor ang kanyang bagong silang na anak na nakahawak sa kanyang daliri.
Sa isang letter, na isinalin ng Soompi sa English, sinabi ni Song na siya ay kasalukuyang nasa Roma, Italy, kung saan ipinanganak ng kanyang asawa ang kanilang anak.
“Here, in my wife’s hometown of Rome, we happened to welcome our baby. It’s a healthy son.. and both the baby and his mother… are in very good health. As we welcomed [our child] in good health and joy, I am taking care of my family very happily, with a grateful heart,” sabi sa statement.
Maaalalang nung January this year ay inamin nitong ikinasal na siya sa misis na isa ring actress.
Nauna nang ikinasal si Song kay Song Hye-kyo na nakatambal niya sa isa pinakamatagumpay na Korean drama na Descendants of the Sun pero tumagal lang ng halos dalawang taon ang kanilang pagsasama.
- Latest