Mga lumutang na basura, gabundok ang dami
Bongga dahil sa sinulat kong feeling nasa laylayan ako ng lipunan nung rumagasa ang habagat at bagyong Carina, may mga nagpadala sa akin ng calamity fund.
Meron ka talagang mga kaibigan na pag nadama nilang malungkot ka, ipaparamdam sa ‘yo kung paano maging masaya.
Kaya kahapon, lumiwanag ang paligid ko kahit malakas pa rin ang hangin at nakakawindang ang dami ng mga basurang nagkalat dahil sa matinding pagbaha.
At touched din ako sa padalang mga pagkain ng Villar Group na siyempre ay idea ni Avic Amarillo na super favorite ko.
Talagang nakakawala ng lungkot ‘yung mga ganung bagay.
Pero bumabalik ang lungkot ko pag napapanood ko sa news ang iniwang pinsala ng bagyo.
Grabe ang basura, parang hindi ata alam ng marami ang salitang basurahan.
Ba’t parang hindi sila nagtatapon sa tamang lugar? Ba’t ganun karami ang basura sa ating paligid.
‘Di ba elementary pa lang, tinuturuan na tayong magtapon ng basura. Hindi ba natin sinusunod ‘yun?
Kakaloka.
Paano nga aasenso ang ating bayan kung basura lang ‘di pa natin kayang ilagay sa tamang lugar.
‘Yun lang at babu na.
- Latest