^

Pang Movies

Gary V., kauna-unahang Legacy Awardee!

Salve V. Asis - Pang-masa
Gary V., kauna-unahang Legacy Awardee!
Makikita sa larawan sina: (L-R) PeopleAsia editorin- chief Ms. Joanne Rae Ramirez, Philippine Ambassador to the US and PeopleAsia’s publisher on leave Jose Manuel Romualdez, Gary V., Metro Pacific Investments’ Chaye Cabal-Revilla and PhilStar Media Group President and CEO Mr. Miguel Belmonte.

MANILA, Philippines — Sa nakalipas na apat na dekada, katumbas ng pangalan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang mga chart-topping hits, high-energy performances, at walang katulad na connection sa mga manonood ‘di lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo na rin.

Nabiyayaan si Gary na magtanghal sa pinakamalalaking venue sa mundo, mula sa Luneta Grandstand kung saan humigit 500,000 ang nanood hanggang sa Tamar Site sa Hong Kong kung saan nag-perform siya sa Hong Kong Harbor Music Festival noong 2003.

Noong 2023, minarkahan ni Gary ang kanyang 100th solo show sa Music Museum sa matagumpay na soldout at 10-night concert series na Gary V: Back At The Museum.

Nakakuha rin siya kamakailan ng multiple standing ovations sa kanyang jampacked North American tour.

Marami ang nag-isip na magreretiro na si Gary sa titulo ng kanyang MOA Arena na Pure Energy: One Last Time na ginanap kamakailan.

Ngunit nilinaw niya na hihinto siya sa pagbibida sa mga solo show sa higanteng venues gaya ng mga arena at mga dome, pero hindi mawawala ang kanyang pagmamahal sa musika at pagtatanghal.

Kumbaga hindi na siya magko-concert na mag-isa lang ng tatlong oras at literal na walang pahinga o CR break man lang.

Kaya naman deserve na deserve niya ang pinagkaloob na Legacy Award 2024 para sa Men Who Matter ng PeopleAsia.

Personal na tinanggap ni Gary ang nasabing karangalan sa awards night na ginanap sa Marriott Hotel.

Pero bago tinanggap ni Gary V. ang Legacy Award ay nagparinig siya ng tatlong kanta at lahat ay nag-enjoy kabilang na ang kanyang fellow awardees na sina PAGCOR Chairman Al Tengco and Sec. Frederick Go.

Inilunsad din sa nasabing event ang fund drive na pinangunahan ng The Philippine STAR at PeopleAsia, para sa mga biktima ng Super typhoon Carina. Marami naman kaagad ang nagpaabot ng donasyon mula sa maraming awardees at bisita.

Bukod kay Gary V., kinilala rin ang sampung outstanding men sa kanilang outstanding performance at kontribusyon mula sa kani-kanilang larangan – Box Office actor Dingdong Dantes, PAGCOR Chairman Al Tengco, Pangasinan 4th District Rep. Toff de Venecia, Chef Sau del Rosario, Conrad Manila’s Fabio Berto, Potato Corner COO Joey Alvero, Talent Manager Jojie Dingcong, Opulence Design Concept owner Gerry Sy, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Managing director of Bellevue Resorts Patrick Chan and CEO of Citi Paul Favila.

Jolens, ginamit ng scammer

Nawindang si Jolina Magdangal matapos siyang mabiktima ng scammer.

Nakapagkalat agad ng message ang scammer na nangungutang kuno si Jolina.

Kaya nag-post kaagad ang singer /actress / host : “SCAMMER!!! PLEASE SA LAHAT PO NG NAKATANGGAP O MAKAKATANGGAP NG MESSAGE FROM ME NA GANITO, HINDI PO AKO YAN!

“AGAIN, HINDI PO AKO YAN, HINDI KO NUMBER ANG 0956-4808804

“PLEASE WAG KAYO MAG SEND NG PERA.”

Ang lala. Kaya ‘wag basta-basta papatol sa mga nangungutang via social media messenger.

Jericho over the moon...Janine natupad ang pangarap sa Venice...

Over the moon for Janine Gutierrez si Jericho Rosales.

Ito ay matapos ngang mag-comment ang actor sa post ni Janine na dream come true para sa actress ang mapabilang ang kanilang pelikula sa Venice Film Festival.

“Super dream come true - our film, Lav Diaz’s Phantosmia, will premiere at this year’s La Biennale di Venezia. Sooooo grateful and happy and honored to be part of this film!!! Venice has always been a dream and I’m just, again, so grateful to the Lavteam and to everyone else who’s trusted me enough to cast me in their films and series,” umpisa ng post ni Janine.

“All I’ve ever wanted is to make good projects and I’m just so thankful that all the work has led me here, part of another story that showcases our Filipino filmmaking to the world. Thank you thank you thank you,” dagdag ni Janine kalakip ang black and white still photo at iba pang information sa pagpapalabas ng pelikula ni Lav Diaz sa Venice Filmfest na pinagbibidahan niya.

At hindi nga ito pinalampas ni Jericho.

“I am over the moon for you! Ihanda na ang bangka at sagwan! Congratulations!!! Mabuhay kayo at ang Lavteam!”

Nag-congratulate rin si Ms. Charo Santos-Concio at komento niya “Savor the moment!”

May mga sighting nga sina Janine and Jericho tho wala silang sinasabi pero parang sila na raw.

GARY VALENCIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with