^

Pang Movies

John Estrada sinugod sa hospital, maka-Priscilla natuwa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ang mean ng ibang netizens kay John Estrada na naospital at baka nasa ospital pa rin hanggang ngayon. Sa halip na makisimpatiya at i-wish na gumaling agad para makalabas sa ospital ang aktor, ang sasama pa ng mga comment.

Nagpapaawa lang daw ito sa asawang si Priscilla Meirelles na nasa Brazil ngayon para bumalik na ito ng Pilipinas.

May nag-comment pa na hindi na nito kayang pumarty dahil sa edad nito at mag-isip na raw siya ng ibang mapaglilibangan. Nakita kasi ito sa isang party noong nagbakasyon siya sa Boracay at doon nagsimula ang tsika na may problema sila ni Priscilla.

Pasalamat daw siya na mababait ang mga anak nila ni Janine de Belen dahil sa pinost na photo ng anak na si Kaila Estrada habang nasa ospital siya, ang kapatid ni Kaila ang nag-aalaga sa kanya.

DongYan, naaligaga sa relief goods

Ang Instagram post ni Marian Rivera na “700 packs” na ang tinutukoy ay ang number ng relief goods na na-pack nila para sa mga nasalan­ta ng bagong Carina.

Personal na dinala nina Marian at Dingdong Dantes ang relief goods sa warehouse ng GMA Kapuso Foundation.

Si Marian mismo ang nag-grocery at ang mga kasambahay nila, ilang kaibigan pati ang sister ni Dingdong ang tumulong sa paghahanda ng bawat relief pack.

Benjamin, winelcome ng mga accla

Hindi nagpapatalo si Benjamin Alves sa husay ng mga kasama sa Widows’ War, lumalaban ang aktor at ang husay niya sa role ni Basil.

Nakakatuwa si Benjamin, hindi nito alam ang ibig sabihin ng “accla” na kasama sa mga binabanggit ng viewers kapag pinupuri ang husay niya.

Winelcome tuloy siya ng mga accla.

vuukle comment

JOHN ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with