SUV nagliyab sa EDSA flyover, driver lapnos
MANILA, Philippines — Sunog ang magkabilang binti ng driver ng isang SUV matapos magliyab ang kaniyang sasakyan sa northbound lane ng EDSA-Ortigas Flyover, sa Quezon City nitong Linggo ng gabi.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City, agad namang rumesponde ang apat nilang truck at naapula ang apoy dakong 9:12 ng gabi.
Bagamat walang napaulat na nasawi sa insidente, nagtamo naman ng minor burn sa dalawang binti ang 51-anyos na driver ng SUV nang hindi makalabas ng sasakyan.
Agad dinala sa ospital ang driver at nilapatan ng paunang lunas. Wala ring iniulat na nadamay na iba pang mga sasakyan sa insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa sanhi ng pagliyab ng kotse na ngayon ay nasa impounding area ng Metro Manila Development Authority ( MMDA).
- Latest