^

Pang Movies

Bianca, hirap pa ring tanggapin ang pagkamatay ng mga magulang

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bianca, hirap pa ring tanggapin ang pagkamatay ng mga magulang
Bianca Umali.
STAR/ File

Hirap pa rin ang aktres na si Bianca Umali na tanggapin tuwing naiisip niya ang pagkamatay ng kanyang magulang.

Ibinahagi niya sa kanyang followers ang litrato ng mga magulang na parehong pumanaw na.

“my Angels.
”As each year goes by… it gets harder and longer for me to process…,” caption ng Sang’gre actress.

Masakit pa rin daw pero ganon daw talaga. Naalala niya ito dahil tila araw ng kamatayan ng isa sa mga ito. Tanggap naman na raw niya na may dahilan ang mga nangyayari.

Namatay ang nanay niya sa breast cancer habang namatay naman sa heart attack ang tatay niya pagkatapos ng limang taon.

Limang taon siya noong masaksihan niya ang paghihirap ng ina sa sakit. Naaalala kung paano siya hindi payagang lumapit dito at hindi pa niya naiintindihan noong mga panahong iyon ang nangyayari. Tumatak lamang sa isip niya na hindi siya mahal ng kanyang ina. Wala raw siyang alam sa nangyayari sa ina at sa cancer.

Hindi rin daw siya binibigyan ng maayos na sagot ng kahit sino sa kanyang pamilya dahil alam ng mga ito na hindi pa niya ito maiintindihan dahil sobrang bata pa niya. Ilang taon niyang dala-dala ang sakit na mawalan ng ina at kung paano siya nanakawan ng oras na makasama ang nanay niya.

Pero naiintindihan na niya na hindi siya nito tinutulak palayo kundi gusto nito na maisip niya ito na malusog at maganda pa ito at hindi ang hitsurang may sakit ito. Ayaw lang din nitong makita niya itong nahihirapan habang nagpapagamot sa sakit.

Kaya naman malapit sa puso niya ang mga may breast cancer at nakiisa siya sa breast cancer awareness campaign at binahagi ang nakakadurog sa pusong kwento ng pakikipaglaban ng nanay niya sa cancer.

vuukle comment

BINCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with