Imported agricultural products, sasalain – DA
MANILA, Philippines — Sasalain na ng Department of Agriculture (DA) ang mga produktong magmumula sa ibang mga bansa upang maiwasan ang pagpasok ng mga may sakit na hayop at makilatis ang iba pang agricultural products na maaaring mapakinabangan ng mamamayan.
Ayon kay Agriculture secretary Francisco Tiu Laurel Jr., plano nilang simulan ang operasyon sa mga first border control facility para sa mga imported products sa unang bahagi ng 2025.
Matatandaang nakapasok sa Pilipinas ang kauna-unahang kaso ng Q fever disease mula sa mga kambing na nagmula sa Estados Unidos matapos makuhanan ng mga blood samples.
Sinabi ni Secretary Laurel na limang Cold Examination Facility for Agriculture (CEFA) ay magsisimula na sa kanilang operasyon sa unang bahagi ng susunod na taon. Ang CEFA ay isang phyto sanitary inspection facility para sa mga imported na hayop, isda, halaman, at iba pang produktong pang-agrikultura.
Umaasa ang DA na magagamit ang CEFA sa Enero o Pebrero sa susunod na taon sa bahagi ng Angat, Maynila, Subic, Davao, at General Santos City na pinondohan ng ahensiya.
- Latest