Dwight Howard lalaro sa Zamboanga Valientes
MANILA, Philippines — Posibleng muling masilayan sa aksiyon ang si dating NBA star Dwight Howard suot ang Pinoy team jersey.
Gumugulong na ang negosasyon sa posibleng paglalaro ni Howard bilang import ng Zamboanga Valientes sa lalahukang Asian Tournament.
Nakakuha ng positibong sagot ang kampo ng Valientes dahil pumayag si Howard na maglaro.
Pinaplantsa na lamang ang lahat para maipormalisa ang pagpasok nito bilang import ng Valientes.
Malapit ang puso ni Howard sa mga Pinoy na itinuturing nitong isa sa pinakamainit na fans sa buong mundo.
Ramdam ni Howard ang pagmamahal ng mga Pinoy nang maglaro ito bilang import ng Strong Group Athletics sa Dubai International Basketball Championship noong Pebrero.
Matapos ang kanyang kampanya sa Strong Group Athletics ay nagpasalamat pa ito sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans.
“Just want to thank all the Filipinos in Dubai who constantly came to our games and cheered their hearts out and supported the team. Thank you for all the well wishes! This is just the beginning for and there will be more to come,” ani Howard.
Sa kanyang paglalaro sa Strong Group Athletics, dinala ni Howard ang tropa sa finals ng Dubai tourney,
Subalit kinapos ang Strong Group sa Lebanese squad na Al Riyadi, 74-77.
Naging import na rin ng Valientes sina NBA players Mario Chalmers at Renaldo Balkman para maglaro sa ASEAN Basketball League.
- Latest