4 teams agawan sa quarterfinals berth
MANILA, Philippines — Mag-aagawan sa quarterfinals berth ang apat na koponan sa mahalagang laro sa Season 48 PBA Philippine Cup.
Magtutuos ang Magnolia at Terrafirma ngayong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng NLEX at Rain or Shine sa alas-7:30 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Swak na sa eight-team quarterffinals ang San Miguel Beermen (10-0) at Barangay Ginebra Gin Kings (7-3) at anim pang tiket ang paglalabanan.
Ang mga nag-aagawan ay ang Road Warriors (5-4), Hotshots (5-4), Elasto Painters (5-5), TNT Tropang Giga (5-5), Dyip (5-5), Meralco Bolts (5-5) at NorthPort Batang Pier (5-6).
Sibak na ang Phoenix Fuel Masters (3-7), Blackwater Bossing (3-7) at Converge FiberXers (2-9).
Sakaling manalo sa Rain or Shine at kontra sa Ginebra sa kanilang huling laro ay maaari pang makuha ng NLEX ang ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals kagaya ng nasikwat ng SMB.
Ngunit nasa three-game losing skid ang Road Warriors, habang gigil ang Elasto Painters na muling manalo matapos pigilan ng Hotshots, 108-102, ang kanilang five-game winning streak.
Sa apat ay tanging ang Terrafirma ang umiskor ng panalo laban sa NorthPort, 110-108, noong Abril 24.
- Latest