^

PSN Palaro

Buhay pa ang Creamline

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Buhay pa ang Creamline
Hinatawan ni Jema Galanza ng Creamline si MJ Phillips ng Petro Gazz.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ito ang larong hindi maaaring isuko ng nagdedepensang Creamline lalo na at nakataya ang kanilang korona.

Dalawang atake ang ginawa ni Jema Galanza sa dulo ng fourth set para sa 27-25, 23-25, 27-25, 26-24 pag­takas ng Cool Smashers sa Petro Gazz Angels sa single-round semifinals ng 2024 PVL All-Filipino Confe­rence kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw ang 27-anyos na si Galanza ng 23 points mula sa 20 attacks, dalawang blocks at isang service ace para sa 1-1 baraha ng Creamline sa semis kapareho ng kartada ng Petro Gazz.

Matapos ipasok ang huling puntos ay hindi napigilan ng dating kamador ng Adamson Lady Falcons sa UAAP ang mapaiyak.

“Hindi ko ine-expect ang nararamdaman ko kanina, pero sabi ko ibibigay ko na ang lahat,” ani Galanza.

Kinuha ng Gazz Angels ang match point, 24-22, bago bumida si Galanza para sa Cool Smashers.

“Inisip din namin iyong mga pinagdaanan namin this conference at ayaw naming masayang iyon ng ganun-ganun lang,” dagdag pa ni Galanza.

Nagmula ang tropa ni coach Sherwin Meneses sa masaklap na 25-13, 25-19, 21-25, 20-25, 16-18 kabiguan sa sister team na Choco Mucho noong Martes.

Pumalo ang nagbabalik na si Tots Carlos ng 21 mar­kers para sa Cool Smashers at may 11 at 10 points sina Pangs Panaga at Alyssa Valdez, ayon sa pagkakasunod.

Galing si Carlos sa 2024 Korean Volleyball (KOVO) Women’s Asian Quota Draft noong MIyerkules sa Korea kung saan hindi siya nakuha kasama sina MJ Phillips ng Petro Gazz at Mylene Paat ng Chery Tiggo.

Pinamunuan nina Fil-Am Brooke Van Sickle at Jonah Sabete ang Gazz Angels sa kanilang tig-22 points, habang may 17 markers si Phillips.

Muling sasalang ang Creamline sa Linggo laban sa Chery Tiggo at sasagupain ng Petro Gazz ang Choco Mu­cho sa krusyal na huling araw ng semis sa Smart Ara­neta Coliseum.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with