^

PSN Palaro

Mavs umangat sa Clippers; Celtics sinibak ang Heat

Pilipino Star Ngayon
Mavs umangat sa Clippers; Celtics sinibak ang Heat
Nag-dive si Kyrie Irving ng Dallas Mavericks para maunahan si Amir Coffey ng LA Clippers sa pagdakma sa loose ball sa Game 5 ng kanilang first-round playoff series.

LOS ANGELES — Bagama’t may sprained right knee, sipon at lagnat ay nagawa pa rin ni Luka Doncic na ipanalo ang Dallas Mavericks.

Kumolekta ang Slovenian star ng 35 points, 10 assists at 7 rebounds para igiya ang Mavericks sa 123-93 pag­daig sa Clippers sa Game Five at kunin ang 3-2 lead sa kanilang Western Conference first-round series.

Ang mananalo sa duwelo ang lalaban sa Oklahoma City Thunder sa semifinal series.

Nagsalpak si big man Maxi Kleber ng limang 3-poin­ters, habang may 14 markers si Kyrie Irving para sa Mavericks na ibinagsak ang Clippers sa pinakamalaki nilang pagkatalo sa kanilang playoff history.

Umiskor si Doncic ng 14 points sa third quarter kung saan nagtala ang Dallas ng 25-point lead patungo sa 89-69 pagbaon sa Los Angeles sa fourth period.

Tumipa sina Paul George at Ivica Zubac ng tig-15 points para sa Clippers na muling naglaro sa ikalawang sunod na pagkakataon na wala si injured leading scorer Kawhi Leonard (right knee inflammation).

Nakatakda ang Game Six bukas sa Dallas at kung magtatabla sa 3-3 ang serye ay dadalhin ang Game Se­ven sa Los Angeles sa Lunes.

Kung masisibak ang Clippers ay sila ang ikalawang LA team sa liga na napatalsik sa first round matapos ang Lakers na pinagbakasyon ng nagdedepensang Denver Nuggets sa Game Five, 4-1.

Sa Boston, bumira sina Jaylen Brown at Derrick White ng tig-25 points para sa 118-84 pagsibak ng Celtics sa Miami Heat sa Game Five papasok sa Eastern Confe­rence semifinals.

Isinara ng Boston ang kanilang duwelo ng Miami sa 4-1 at haharapin ang mananalo sa serye ng Cleveland Cavaliers at Orlando Magic sa semis.

Hawak ng Cavaliers ang 3-2 lead sa Magic.

Kumamada si Bam Adebayo ng 23 points para sa Heat na naglaro na wala sina injured Jimmy Butler (knee, Terry Rozier (neck) at rookie Jaime Jaquez Jr. (hip).

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with