Napakasustansiya ng nilagang kamote
NAPAKARAMING benepisyo na makukuha sa pagkain ng kamote. Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, diabetes at nagpapapayat. Mura din ito at mabibili sa buong taon. Mas mabuti kung ilalaga ang kamote.
Narito ang mga benepisyo ng kamote sa katawan:
l May beta-carotene or provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.
l Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahan magpataas ng asukal sa dugo. Pwede rin sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.
l Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi ka makakakain ng marami.
l Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.
l Merong iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.
l Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag marami ang kainin.
l Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria sa tiyan tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.
- Latest