^

PSN Opinyon

Bakit idinawit sa droga si Mabilog?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Noong Presidente pa ng Senado si Frank Drilon, kasama ako sa grupo  ng mga mamamahayag na ipinasyal niya sa Iloilo upang ipakita ang kaunlaran ng kanyang lalawigan. Ang mayor ng Iloilo City noon ay si Jed Mabilog, ang mayor na idinawit ni ex-Presidente Duterte sa hanay ng mga lokal na opisyal na sangkot sa droga bilang protektor.

Nagtaka ako kung bakit. Humanga kasi ako kay Mabilog sa kaunlarang nagawa niya sa lungsod at hindi ko mapani­walaan na siya ay nasa drug matrix ni Duterte. Si Mabilog ay kasapi ng Liberal Party na ang Presidente noong mga panahong yaon ay si Noynoy Aquino.

Lumipad tuloy ang Mayor patungong US para mag-seek ng political asylum. Pati kasi mga Mayors na sinasabi ni Duterte na sangkot sa droga ay pinapatay. Hindi natin siya masisisi sa pagpapahalaga sa buhay niya.

Ngayong bumalik na sa bansa si Mabilog at humarap sa imbestigasyon ng Quad Committee ng Mataas na Kapulungan, maraming bagong impormasyon tayong narinig. Na ginamit ni Duterte ang kanyang madugong drug war para iligpit ang kanyang mga political enemies.

Hindi lang pala local executives ang puntiryang idawit sa droga ni Duterte  ayon kay Mabilog. Pati raw si Drilon ay balak idawit sa droga at iligpit. Grabe! Hindi malayo na pati si President Aquino na buhay pa noon ay idinamay din.

Panunumpa ni Mabilog, kailanman ay hindi siya naging o magiging protector ng mga drug lords. Nakilala ko nang per­sonal ang mayor at mahihinuha mo naman sa persona­lidad ng tao kung posibleng siya ay kriminal. Kahit sino naman ay masisindak kung paulit-ulit kang babantaang patayin, dahilan para umalis ng bansa si Mabilog.

Sana ay huwag nang maulit pa na magkaroon tayo ng marahas na lideratong walang patumangga sa pagpapa­danak ng dugo sa pagkukunwaring ito’y nagpapatupad ng batas.

vuukle comment

FRANK DRILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with