^

PSN Opinyon

Mga payo sa may asthma

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga payo ko sa mga may asthma. Puwedeng subukan ang mga ito.

1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng asthma.

2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na “mukokinetic” at nagpapaluwag ng plema sa baga.

3. Kapag inaatake ng asthma, subukang uminom ng ma­tapang na kape o black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.

4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para mabawasan ang asthma.

5. Uminom ng Vitamin C tablet hanggang 1,000 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.

6. Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang limang beses bawat linggo. Subukang magbaras at palakasin ang mga braso, dibdib at likod para lumakas ang iyong masel na ginagamit sa paghinga.

Iwasan ang mga sumusunod:

1. Ang softdrinks ay nakapagsisimula ng asthma, lalo na sa mga bata. 

2. Ang vetsin din ay masama sa may asthma. Mas mara­ming vetsin, mas malala ang atake ng asthma.

3. Alamin ang pagkain na nakaka-allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok. 

4. Mag-ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.

5. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans. Lomolobo ito at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapang huminga.

6. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr. Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong naka­tira sa tabi ng mga highways o ‘yung mga exposed sa polusyon ay mas maagang namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maruruming hangin at lugar. Puwedeng magsuot ng face mask para mabawasan ang usok na nalalanghap.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with