^

PSN Opinyon

Pasabog ni Jimmy Guban

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sa tingin ko wala nang saysay ang isiniwalat ni Ex-Customs Intelligence and Investigation Services officer Jimmy Guban laban kina Pulong Duterte, Manz Carpio at Michael Yang kaugnay sa P6 bilyong shabu shipment noon na naharang sa Bureau of Customs. Nakalagay sa magnetic lifters ang shabu.

Lumalabas kasi na naghihiganti na lamang si Guban sa administrasyon ni ex-President Digong Duterte at naghahanap nang kakampi sa Marcos administration. Pati mga miyembro ng media ay pinagdiinan ni Guban na tumakot umano sa kanya upang huwag banggitin sina Pulong, Manz at Michael. Sabi naman ng mga isinasangkot ni Guban, hindi nila kilala ang taong ito.

Sa pasabog ni Guban sa harap ng mga kongresista na pinamumunuan ni Antipolo Rep. Rodolfo Acop, tinatayang 700 kargamento ang ipinasok sa Manila International Container Port (MICP) at 350 dito ang may laman ng droga. Palagay ko ang drogang iyon ang kumakalat ngayon sa maraming lugar sa bansa at problema ng Philippine National Police (PNP) at siyempre ni President Ferdinand Marcos Jr.

Kaya hindi na natutulog ang PNP sa paghahanap ng droga. Direktiba ni PNP chief Gen. Rommel Marbil sa mga pulis na dakmain ang drug pushers at users sa maayos na paraan upang mapigilan ang pagdanak ng dugo. Agad namang tumalima ang PNP-Drug Enforcement Group sa kautusan ng PNP chief.

Sangkot nga kaya ang mga taong isiniwalat ni Guban sa pagpapasok ng droga sa bansa na inilagay sa magnetic lifter? Dapat mag-imbestiga pa ang mga kongresista. Kung hanggang sa pagsisiwalat lang ni Guban ang gagawin, walang mangyayari. Maglatag ng ebidensiya na magpapatunay sa mga akusasyon.

Kung sakali naman at totoo ang akusasyon ni Guban sa mga taong tinukoy niya, maraming Pilipino ang nalinlang ng Duterte admin. Kasi’y numero unong sinasabi ni Digong na galit siya sa drug traffickers at lilinisin daw niya sa droga ang bansa sa loob ng anim na buwan na hindi naman nangyari.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with