^

PSN Opinyon

Sumuko o nasukol?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Iginigiit ng supporters ni Apollo Quiboloy na sumuko at hindi puwersahang inaresto ang pastor. Pero para sa administrasyon, “nasukol” ang religious leader at walang choice kundi sumama sa mga awtoridad na dumarakip sa kanya. Hindi na dapat pagtalunan ang isyung iyan.

Ang mahalaga, nasa kamay na ng mga awtoridad si Quiboloy at ito ang pinakamabuti para sa kanya dahil may tsansa na siyang ipagtanggol ang sarili sa mga demandang isinampa laban sa kanya ng mga dating miyembro: child abuse, human trafficking at iba pa.

Para sa akin, kung talagang kusang susuko si Quiboloy para sa kapakanan ng mga masusugid niyang tagasunod, dapat sa unang araw pa lang na isinilbi ang warrant of arrest sa kanya ay kusa na siyang sumuko. Lehitimo at na­aayon sa proseso ng batas ang mga kaso laban sa kanya.

Pero halos isang buwan nang nag-stake out ang sanrekwang operatiba ng PNP, hindi siya matagpuan sa kan­yang teritoryo. Nagtago imbes na sumuko sa batas at pinaligiran nang napakarami niyang tagasunod kaya nahirapan ang mga pulis na matunton siya.

Pero unawain na lang natin ang mga taong nagma­mahal sa kanya na nasasaktang marinig na ang kanilang leader ay nasakote at iginigiit na ito’y sumuko. Sige, tanggapin na nating sumuko si Pastor para man lang maibsan kahit kaunti ang nasaktang damdamin ng mga tagasunod niya.

Ngayon, magsisimula nang uminog ang wheel of justice. Idalangin natin na makamit ang tunay na hustisya sa kasong ito.

APOLLO QUIBOLOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->