^

PSN Opinyon

JCNTVHS: Awardee ng gulayan sa paaralan

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang paaralan na nagwagi sa patimpalak ng DepED para sa Gulayan sa Paaralan dahil sa kanilang husay at galing sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Ang aking tinutukoy ay ang Josephine M. Cojuangco National Technical Vocational High School (JCNTVHS) na makikita sa Poblacion Norte, Mayantoc Tarlac. Pinamumunuan ito ng kanilang masipag at magaling na principal/school head na si Redentor “Reden” B. Tabamo.

Sa pagbisita ng Masaganang Buhay Team sa JCNTVHS ay sumalubong sa amin ang luntiang kapaligiran dahil napapalibutan ito ng iba’t ibang napapakinabangan na mga pananim.

Maaliwalas at presko ang paligid ng paaralan dahil sa mga tanim na gulay, fruit bearing trees at mga namumulaklak na halaman.

Mismong si Sir Reden ang nag-welcome sa amin at agad kaming dinala sa kanilang napakagandang hardin. Organize ang mga tanim, nakahiwalay ang mga gulay, prutas, herbs, medicinal plants at ornamental.

May conventional farming o nakatanim sa lupa at hydroponics method of farming sa loob ng paaralan. May green house, nakabalag at nakatulos na mga halaman.

Ayon kay Sir Reden, noong ma-assign siya sa nasabing paaralan, mahigit dalawang taon pa lamang ang nakakaraan ay agad niyang pinulong ang mga guro, kasama ang mga magulang at mga estudyante.

Aniya nagpatulong siya para linisin ang kapaligiran ng paaralan at ang dating tambakan ng basura ay ipinatag, isinaayos saka tinaniman ng mga gulay.

Tumubo ng maganda at namunga ang mga tanim na siyang ginagamit sa kanilang feeding program bilang pagtalima sa Mental Health Flagship Program ng Oplan Kalusugan ng DepEd.

“This initiative is part of our school’s commitment to students’ well-being,” pahayag ni Sir Reden.

Sa unang taon ng pagkaka-assign ni Sir Reden sa JCNTVHS ay ginawaran siya bilang Outstanding School Head 2022-2023 Division Le-vel.

Marami ang na-inspire at na-motivate si Sir Reden, hindi lamang ang kanyang kapwa guro, maging ang mga magulang at estudyante na nagsama-sama, nagtulong-tulong sa pagtatanim hanggang sila ay i-nominate sa search ng DepED na Gulayan sa Paaralan.

Mahigit sa 2000 paaralan sa Region 3 ang nakasama sa nominasyon pero ang JCNTVHS ang siyang nanalo bilang “The Best Implementer Division and Regional Level 2023-2024 Gulayan sa paaralan.

Marami pang plano si Sir Reden para sa ikagaganda at ikabubuti ng mga estudyante sa JCNTVHS, lalo na ngayon ay biglang lumaki ang bilang ng kanilang population mula sa dating 600 ay nasa 850 na ngayon, makaraang maglipatan sa kanila ang maraming mga estudyante.

Kumakatok sa may mga ginintuan puso si Sir Reden lalo na sa mga mambabatas, local at national government at maging sa private sector na nawa’y madagdagan ang kanilang mga school building at kahit anong tulong ay taos-puso nilang pasasalamatan.

Ilan sa mga tanim na makikita sa JCNTVHS ay strawberry, mulberry, papaya, sampaloc, lettuce, talong, patola, okra, sili, sitaw at marami pang iba.

Iniimbitahan ni Sir Reden ang lahat, lalo na ang kabataang estudyante, magulang at senior citizens na magtanim tulad ng kanilang ginagawang pagtatanim.

Sa mga nais bumisita para makita ang mga tanim na gulay at prutas sa nasabing paaralan o gustong mag-donate ay mag-text kayo at mag-inquire sa number ni Sir Reden na 0977-172-25-28.

Sa Linggo, August 25, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview kay Sir Reden at farm tour sa loob ng paaralan sa Masaganang Buhay TV Show ng Magsasakang Reporter.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

DEPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with