^

PSN Opinyon

Hipokritong Xi Jinping, sobrang bistado na

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Desperado magpapogi ang China sa mundo. Wasak kasi ang imahe nito. Nilantad sa maraming videos ang kalupitan ng Chinese Navy, Coast Guard, at maritime militia. Ipinakita ang pananakit at pang-aapi sa mga mangingisdang Pilipino. Pati mamamayang Chinese ay nabatid ang karahasan ng doble-karang China Communist Party.

Inaambisyon ni CCP chairman at China president Xi Jinping ang imahe ng makapusong world leader. Nanawagan siya sa isang komperensiya sa Beijing kamakailan ng isang “patas, maayos na mundo, na iwawaksi ang malaki na umaapi sa maliit, ang malakas na nambu-bully sa mahina, at mayaman na lumilinlang sa mahirap.”

Pero kahipokritohan ang binubunganga ni Xi. Dikta­durya sa pamamagitan ng karahasan ang pakay ninumang Komunista.

Shutterstock photo

Ginagaya ng mga tauhan ni Xi ang pagkaahas niya. Ilang minuto lang matapos bundulin at atakihin ng China coastguards ang mga Pilipino, nagpo-propaganda agad ang Chinese Embassy na kesyo inudyukan sila.

Lantaran ang kasinungalingan. Nag-press release ang CCG na kesyo sinalba nila ang mga Pilipinong mangingisda na nasiraan ng barko sa may Panatag (Scarborough) Shoal. Sa totoo hinarang nila ang mga Pilipinong manliligtas.

Nais kunwari ng Beijing pahupain ang tension sa South China Sea. Boladas ‘yon ni Foreign Vice Minister Chen Xiaodong kay Usec. Maria Theresa Lazaro. Lumang tugtugin na ‘yon. Sinasabi ‘yon ng Beijing tuwing nanlalamang sa kapitbansa.

Sa totoo, ayaw pumirma ng Beijing sa Declaration of Conduct sa SCS. Ibabawal ng DoC ang paglayag ng armadong barko sa gilid ng mga bahura ng kapitbansa. Ayaw ng Beijing tumino.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with