Pinakakasuhan si Digong
Pinakakasuhan ng House of Representatives quad committee si dating President Rodrigo Duterte at senators Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go ng crime against humanity.
Nagulat si Senator Go kung bakit isinama siya sa kakasuhan. Sinabi naman ni Dela Rosa na hindi na bago ang mga isinampang kaso sa kanila. Demolisyon aniya ito sa pamilyang Duterte para hindi na makabalik sa pulitika.
Sabi naman ni President Ferdinand Marcos Jr., na busisiin maigi ng Department of Justice (DOJ) ang isasampang kaso kay Duterte.
May katwiran naman si Marcos na busisiing maigi ang kaso sa mga Duterte dahil noon pa, tahasang nagpahayag ito na huwag nang kasuhan ang dating Presidente. Ito ay sa kabila na nagpahayag ng mga maanghang na salita si Duterte kay Marcos.
Naging mapagmatyag at pinalampas lamang ni Marcos ang mga mararahas na salita ni Duterte. Sa isinagawang pag-iimbestiga ng PNP, tahasang itinuturo ng ilang source persons si Duterte.
Malaking bagay na ito na magkaroon ng kasagutan o hustisya. Sa tingin ko masusubukan ang kakayahan ni Justice secretary Jesus Crispin Remulla sa utos Marcos na busisiin ang isasampang kaso kina Duterte. Abangan!
- Latest