3 online sellers ng illegal na paputok, nasakote ng PNP!
PARA maiwasan ang sunog at injuries sa New Year revelry, ipinagbawal ni Civil Security Group (CSG) director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco ang pagbebenta online ng bawal na firecrackers at fireworks.
Ayon kay Francisco, kasalukuyan silang nakipag-coordinate sa mga online merchants, tulad ng Shopee at Lazada, para hindi sila magamit ng nagbebenta ng illegal na paputok at pyrotechnics.
Ipinaliwanag ni Francisco na ang pagbebenta ng illegal na paputok ay hindi lang sunog at banta sa kalusugan ng mga Pinoy kundi makakaapekto din ito sa lehetimong manufacturers at ang fireworks industry as a whole.
Hindi pa nga uminit ang warning ni Francisco, nakahuli kaagad ang PNP Anti-Cybercrime Group ng tatlong online seller ng illegal na paputok na gumagamit ng social media platform na Tiktok.
Sa operation na isinagawa ng ACG sa Tondo, Manila; sa Olongapo City, at sa Malabon, nakumpiska ang 541 na paputok na nagkakahalagang P14,370. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Ayon kay Francisco, itong mga illegal firecrackers kadalasan ay overweight o ang ibig sabihin ay lagpas sa 1/3 teaspoon o 0.2 grams ng explosives ang sangkap. Wala rin itong sapat na markings, lalo na ang address o pangalan ng manufacturers para hindi sila mahabol kapag may Pinoy na nadisgrasya nito.
Sinabi pa ni Francisco na ang standard fuse ng firecrackers o fireworks ay dapat hindi masunog sa loob ng tatlong segundo o hindi lagpas sa anim na segundo. Ipinaliwanag pa ni Francisco na magkaiba ang paggamit ng firecrackers at ng pailaw.
“Yung pailaw, puwede sa lahat ng bahay kasi meron safety standard yun eh. Yung firecracker may designated zone kung saan tayo magpapaputok at yun yung authorized na firecracker na may lista tayo na alam ng publiko. Sana maliwanag sa atin yung mga mamamayan na magkaiba yung firecrackers at pyrotechnics o pailaw,” dagdag pa ni Francisco. Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Inutusan naman ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil si Francisco at ang Anti-Cybercrime Group na paigtingin ang pagbabantay ng online sale ng illegal firecrackers at fireworks na naging sanhi ng pagdami ng casualty ng nakaraang New Year celebrations.
Aniya, dapat magsagawa rin ang ACG ng cyber patrol para kumpiskahin ang lahat ng illegal na firecrackers, na dumarami na sa kalsada.
“Just want to add kasi ang ginagawa ng ating CSG is to give permit to transport. Yang mga maliliit na yan nakamotor wala silang permit and it is very dangerous baka may madisgrasya. Wala kaming batas pero we will ask Congress na magpaano ng batas na ipagbawal yan, “ ani Marbil.
“We don’t allow it. Wala pong ganyan lahat ng importation ng mga pyrotechnics dito na ginagamit. Puwede lang kami magbibigay pagka malakihan na event, special na event, but yung mga paputok na ganyan the CSG does not allow and it is under the law na bawal talaga yan, “ dagdag pa ni top cop. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaa!
“Meron na kaming listahan ng mga bawal na paputok. Alam n’yo hindi lang disgrasya ang problema natin, pati sunog, marami nasusunog kapag January yang mga illegal na yan,” ani Marbil.
Hayan mga kosa, hindi nagkulang ng paalala sa inyo sina Marbil at Francisco. Sana makinig at sumunod kayo para bumaba ang casualty figure sa New Year revelry. Abangan!
- Latest