^

PSN Opinyon

EDITORYAL - POGOs, isinuka ng China kinain naman ng Pinas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - POGOs, isinuka ng China kinain naman ng Pinas

AYAW ng China sa anumang uri ng sugal—mapa-casino man yan o mapa-online. Mahigpit ang batas ng China laban sa sugal kaya ang Philip­pine Offshore Gaming Operators (POGOs), isinuka nila yan. At pagkatapos, isuka, ang Pilipinas naman ang kumain. Ang mga sugarol na Chinese ang naging parukyano ng POGOs mula nang dalhin sa Pinas noong 2017 at pinayagan naman ni President Rodrigo Duterte. Sabi ni Duterte, malinis ang POGO at ginagarantiyahan niya. Maraming senador ang sumang-ayon sa POGO. Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ang namahala at nagbigay ng lisensiya sa POGO. Ayon sa PAGCOR kumikita ng P20 bilyon taun-taon ang POGOs. Malaking tulong daw sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kamakalawa, umapela ang Chinese Embassy sa Pilipinas na ipagbawal na ang POGOs sa bansa. Mara­ming Chinese nationals ang nahuhumaling sa sugal at nasasangkot sa mga krimen. Ayon sa Chinese Embassy, tinatayang 3,000 Chinese citizens ang nauugnay sa krimen dahil sa POGOs mula pa 2018. Ayon sa China, tila kinukunsinti pa sa Pilipinas ang mga Chi­nese na gumagawa ng krimen. Maraming Chinese ang nalululong sa online gaming at gumagawa ng illegal gaya ng pangingidnap ng kapwa Chinese at saka ipatutubos ng ransom.

Ang pinakamabigat na sinabi ng Chinese Embassy, maraming opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang nasi­silaw sa pera kaya nagpapatuloy ang operasyon ng POGOs. Sabi pa ng embahada, agarang ipagbawal ang POGO sa Pilipinas upang mabunot ang ugat ng bisyong ito na masama sa lipunan.

Tama naman ang sinabi ng Chinese Embassy na kaya dumami ang POGOs sa Pilipinas ay dahil naging­ palabigasan ng mga korap na opisyal ng pamahalaan­. Dahil sa perang suhol ng mga nag-o-operate ng POGOs, nasisilaw ang mga mayor at iba pang LGU officials kaya hindi na nakikita, naririnig at naaamoy ang mga itinatayong POGO hubs sa kanilang nasasakupan.

Isang maliwanag na halimbawa ay ang mga nadis­kubreng POGOs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pam­panga. Ang POGO hubs sa Bamban ay nasa compound umano ng suspendidong Mayor Alice Guo. Ma­lapit lamang ang POGO hubs sa munisipyo pero hindi “namalayan” ng mga opisyal doon kabilang si Guo.

Ang POGO hubs sa Porac ay nasa 46 na gusali at tila hindi rin alam ng mayor doon kung paano na­itayo. Nagkakasakit ng “kalimot” ang mga opisyal ng bayan kapag POGO ang pinag-uusapan.

Matindi ang pag-ayaw ng China sa mga online gaming at iba pang uri ng sugal. Kabaliktaran naman sa Pilipinas na tanggap nang tanggap kahit pa malagay sa panganib ang bansa. Mas mahalaga sa kanila ang P20 bilyon na kikitain.

EDITORYAL - POGOs, isinuka ng China kinain naman ng P

inas AYAW ng China sa anumang uri ng sugal—mapa-casino man yan o mapa-online. Mahigpit ang batas ng China laban sa sugal kaya ang Philip­pine Offshore Gaming Operators (POGOs), isinuka nila yan. At pagkatapos, isuka, ang Pilipinas naman ang kumain. Ang mga sugarol na Chinese ang naging parukyano ng POGOs mula nang dalhin sa Pinas noong 2017 at pinayagan naman ni President Rodrigo Duterte. Sabi ni Duterte, malinis ang POGO at ginagarantiyahan niya. Maraming senador ang sumang-ayon sa POGO. Ang Philippine Amusement and Gaming Corporation ang namahala at nagbigay ng lisensiya sa POGO. Ayon sa PAGCOR kumikita ng P20 bilyon taun-taon ang POGOs. Malaking tulong daw sa ekonomiya ng Pilipinas.

Kamakalawa, umapela ang Chinese Embassy sa Pilipinas na ipagbawal na ang POGOs sa bansa. Mara­ming Chinese nationals ang nahuhumaling sa sugal at nasasangkot sa mga krimen. Ayon sa Chinese Embassy, tinatayang 3,000 Chinese citizens ang nauugnay sa krimen dahil sa POGOs mula pa 2018. Ayon sa China, tila kinukunsinti pa sa Pilipinas ang mga Chi­nese na gumagawa ng krimen. Maraming Chinese ang nalululong sa online gaming at gumagawa ng illegal gaya ng pangingidnap ng kapwa Chinese at saka ipatutubos ng ransom.

Ang pinakamabigat na sinabi ng Chinese Embassy, maraming opisyal ng gobyerno ng Pilipinas ang nasi­silaw sa pera kaya nagpapatuloy ang operasyon ng POGOs. Sabi pa ng embahada, agarang ipagbawal ang POGO sa Pilipinas upang mabunot ang ugat ng bisyong ito na masama sa lipunan.

Tama naman ang sinabi ng Chinese Embassy na kaya dumami ang POGOs sa Pilipinas ay dahil naging­ palabigasan ng mga korap na opisyal ng pamahalaan­. Dahil sa perang suhol ng mga nag-o-operate ng POGOs, nasisilaw ang mga mayor at iba pang LGU officials kaya hindi na nakikita, naririnig at naaamoy ang mga itinatayong POGO hubs sa kanilang nasasakupan.

Isang maliwanag na halimbawa ay ang mga nadis­kubreng POGOs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pam­panga. Ang POGO hubs sa Bamban ay nasa compound umano ng suspendidong Mayor Alice Guo. Ma­lapit lamang ang POGO hubs sa munisipyo pero hindi “namalayan” ng mga opisyal doon kabilang si Guo.

Ang POGO hubs sa Porac ay nasa 46 na gusali at tila hindi rin alam ng mayor doon kung paano na­itayo. Nagkakasakit ng “kalimot” ang mga opisyal ng bayan kapag POGO ang pinag-uusapan.

Matindi ang pag-ayaw ng China sa mga online gaming at iba pang uri ng sugal. Kabaliktaran naman sa Pilipinas na tanggap nang tanggap kahit pa malagay sa panganib ang bansa. Mas mahalaga sa kanila ang P20 bilyon na kikitain.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with