^

PSN Opinyon

EDITORYAL - ‘Maglulunoy sa plastic’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - �Maglulunoy sa plastic�

Nakababahala ang sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na dahil sa malaking problema sa plastic pollution ng Pilipinas, ‘‘maglulunoy sa plastic ang bansa’’. Kung hindi raw magkakaroon ng agarang solusyon ang plastic pollution, nahaharap sa malaking problema ang bansa. Kaya ang pagkilos ngayon ay mahalaga. Dito nakasalalay ang magiging kinabukasan ng bansa laban sa plastic. Ang kalaban aniya ng mundo ngayon ay plastic.

Ayon kay Loyzaga, malaking panganib sa kalusugan­ ng tao ang plastic at ganundin sa ecosystems at cli­mate change. Ayon pa sa Environment secretary, naki­kitaan ng plastics sa bituka ang mga isda at ganundin naman, sumasama sa ulan ang microplastics.

Matindi ang problema sa plastic pollution. Ang Pili­pinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes bawat taon at ang mga ito ay huma­han­tong sa landfills, natatambak sa mga ilog, sa water supply at ang pinakahuli ay ang karagatan.

Ayon sa pag-aaral na nalathala sa Science Advance Journal, ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000 metriko tonelada ng plastic na basura sa karagatan bawat taon.

Problema ang plastic na basura hindi lamang sa Metro Manila kundi sa maraming lugar sa bansa. May mga ipinatupad na batas ukol sa pagbabawal sa paggamit ng plastic pero ningas kugon lamang. Mahusay lamang sa simula.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit wala nang narinig ukol dito. Patuloy pa rin ang paggamit ng single-use plastics.

Ang mga single-use plastics na kinabibilangan ng sachets ng shampoo, hair conditioner, 3 in 1 coffee­, catsup, toothpaste, straw at mga sando bags na kara­niwang ginagamit sa palengke ang nakatambak sa mga estero at kanal at nagiging dahilan nang pagbaha.

Nagbabala ang coalition ng environmental groups na kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaan para mabawasan ang paggamit ng single use plastic, aapaw ang may 59.7 bilyong sachets sa Metro Manila.

Minsan, sinabi ni President Marcos na lilinisin ang mga basurang plastic sa karagatan. Ito na ang tamang pagkakataon, atasan ang DENR na magkaroon ng kampanya laban sa plastic. Magdeklara ng pakikipag­giyera sa plastic. Kung hindi maglulunoy ang Pilipinas sa dagat ng plastic.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with