^

PSN Opinyon

‘Chess game’: Pinas vs China

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG nagaganap na iringan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea ay parang isang chess match. Sino sa dakong huli ang matse-check mate?

Sa tingin ko, ang patuloy na pag-atake ng Chinese Coast Guard sa pamamagitan ng water cannon sa ating mga barko ay isang pambubuyo para tayo gumanti. Kumbaga sa chess ay isang “gambit.” 

Kapag kumagat tayo sa pambubuyong ito at gumanti sa anumang paraang marahas, may dahilan na ang China para tayo giyerahin. At sa aktuwal na giyera, pihong talo tayo kung walang malakas na bansang tutulong sa atin.

At kung tulungan man tayo ng isang malakas na bansa­ tulad ng U.S., ang anumang digmaan ay perwisyo sa buong daigdig. Kaya tama ang tinuran ni Presidente Bongbong Marcos na hindi tayo gaganti o gagamit ng karahasan. Inaabangan kasi ng China na tayo’y mapikon at maging marahas.

Ani President Bongbong, dadaanin pa rin ang lahat sa diplomasya at kahinahunan. Makakita man ng butas­ ang China para ang Pilipinas ay matsek-mate, iwas lang ang gagawin lagi ng gobyerno kaya ang kahahantungan nito ay stalemate.

Hindi ito karuwagan sa panig ng pamahalaan. Tamang hakbang lamang ito na bagamat matagal ang proseso ay maiiwasan ang malagim na digmaan.

Ang ating coast guard ay binabatikos na sa hindi pagganti sa mga atake ng China pero sa ganang akin, tama ang ginagawa nito.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with