^

PSN Opinyon

Sino may mando sa tabakuhan, si Maklang o Jericho?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MAGING ang mga financiers ng mga palaro ay naguguluhan kung sino ba talaga ang may mando sa tabakuhan. Kung sabagay, nag-iingat na ang lahat dahil naglabas na ng memo si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ares­tuhin ang mga kalalakihan na kumakaladkad ng kanyang pangalan sa sugal-lupa.

Ayon sa mga kosa ko, nagbakbakan pa ang tropa nina alyas Maklang at alyas Jericho para hingin ang basbas para makapag-umpisa na sa koleksiyon ng weekly payola. Si alyas Jericho ay nagyayabang na ang kampo nila ang nagluklok kay Marbil sa puwesto. Ngekkk!

Ikinakalat pa ni Jericho na bagyo siya sa isang ambassador. Makukuha kaya niya ang basbas ng “hari?” Abayyy pag­mitingan muna nila ‘yan, di ba mga kosa? Dalawa na ang hahantingin ngayon ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Lagpas na isang buwan si Marbil sa puwesto ay mukhang nasa tamang direksiyon naman ang mga programa niya, kabilang na ang pag-download ng mga pulis sa lansangan. Napansin kasi ni Marbil at ng command staff na maraming pulis na naglalakad sa.Camp Crame at wala namang gina­­gawa kundi puro papeles.

Kung i-deploy ang libu-libong pulis na ito sa kahabaan ng EDSA o sa kalye, abayyy maraming holdaper, shoplifter, salisi, at iba pang kriminal ang mahuhuli nila, di ba mga kosa? Mismooo! Kaya marami sa mga kosa ko ang pabor sa aksiyon ni Marbil. Ano pa nga ba? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kaya lang, dapat hinay-hinay lang isasagawa ito o pag-aralang mabuti ni Marbil itong pag-downloadprogram  n’ya dahil may naapektuhan, lalo na sa hanay ng mga PNCOs. Halimbawa, ay ang kaso ng dalawang PNCOs, na single moms, na nakasama sa pag-download ng mahigit 90 pulis sa NCRPO.

Dahil naka-assign sila sa Camp Crame, pinalad silang magkaroon ng condo unit sa loob ng kampo sa murang ha­laga. Ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa eskuwelahan sa loob ng Camp Crame. Dahil na-download sila sa Bicutan, matic na mawawala ang condo unit nila at presto, madi-displace na rin ang mga anak nila. Asan ang puso? Ang sakit sa bangs nito.

May naiibang estilo rin si Marbil. Noong Miyerkules, dumalaw siya sa CIDG headquarters kung saan inanunsiyo n’ya ang pag-promote ni ex-CIDG chief Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat bilang commander ng Area Police Command -Nothern Luzon.

Kinabukasan, lumabas ang order, at si Francisco ang papalit kay Caramat. Noong Biyernes, nagkaroon na ng turnover. Hands on talaga si Marbil. Kaya sa mga top officials ng PNP, lalo na sa regional directors, kabahan na kayo kapag dinalaw ni Marbil. Hehehe! Baka ma-promote din kayo.

Naglabas na ng third wave of revamp si Marbil noong Linggo at ewan ko lang kung sino ang dinalaw niya. Si NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez kaya, kailan dadalawin ni Marbil? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan. Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with