^

Probinsiya

Lider ng NPA, 1 pa utas sa Iloilo encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa liblib na lugar sa bayan ng Leon, Iloilo nitong Huwebes.

Kinilala ang mga napatay na rebelde na sina Nahum Camariosa alyas “Ka Rodel/Bebong”, squad leader, na kabilang sa nalalabi pang miyembro ng nalansag na grupo ng NPA rebel na nag-o-operate sa lugar, at isang alyas “Junjun”.

Sa report, sinabi ni Lt. Col. Israel Galorio, spokesperson ng AFP-Visayas Command, dakong alas-7:30 ng umaga nang maitala ang bakbakan sa kahuyan ng Brgy. Cawilihan ng nasabing bayan.

Nabatid na habang nagsasagawa ang tropa ng 61st Infantry Battalion ng Philippine Army ng security operation nang makatanggap sila ng report sa presensya ng mga armadong rebelde na nangongotong sa mga residente sa nasabing lugar.

Agad na nagresponde ang mga sundalo kaya nang magpanagpo ay nauwi sa palitan ng putok na ikinabulagta ng dalawang rebelde.

Narekober ng militar sa lugar ang tatlong M16 rifle, isang M14 rifle, isang AK47 rifle, isang anti-personnel mine, sari-saring kagamitang pandigma at apat na backpack na naglalaman ng mga personal na kagamitan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with