^

PSN Opinyon

Tamang pagkain para sa may arthritis

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang mga pagkain na angkop para sa may mga arthritis. Kabilang dito ang mga prutas, gulay at green tea na maraming anti-oxidants:

1. Ang madahong gulay at citrus fruits ay mayaman sa antioxidant na nilalabanan ang mga free radicals at tumutulong para protektahan ang joints. Ang taong mayroong arthritis ay kinakailangang makakuha ng mas maraming antioxidants, lalo na ang vitamin C at beta-carotene mula sa pagkain. Ang vitamin C sa citrus na prutas katulad dalandan, suha, calamansi, lemon at orange. May antioxidant na matatagpuan sa madadahong gulay, na nagpapababa rin ng panganib sa arthritis.

2. Ang pinya ay may bromelain, isang protein-digesting enzyme at lumalaban sa pamamaga. Ayon sa pag-aaral, mabisa ito para mabawasan ang pananakit dulot ng osteoarthritis, katulad ng rin sa pag-inom ng gamot sa kirot. Wala pang side effect ang pinya.

3. Ang matatabang isda tulad ng sardinas, mackerel, salmon, tuna at tamban ay mayaman sa omega-3 fatty acids. Ito’y nagpapalakas ng produksiyon sa anti-inflammatory fats na tinatawag na resolvins, na kumokontra sa pamamaga.

4. Ang curry, turmeric, luya at ibang spices ay lumalaban sa pamamaga sa arthritis. Ang luya, turmeric at curry ay may sangkap na curcumin, na pumipigil sa enzymes at protina na isinusulong ang pamamaga.

5. Ang green tea, sibuyas, strawberry, kamatis at citrus fruits ay naglalaman ng quercetin. Ayon sa pag-aaral, ang quercetin ay anti-oxidant at anti-inflammatory.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with