^

PSN Opinyon

TikTok minultahan ng $384-M sa Europe

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MINULTAHAN ng Italy nu’ng Marso ang TikTok ng $10.94 milyon. Ito’y dahil isinapanganib ng Chinese app ang mga menor-de-edad sa maseselang videos.

Kabuuang $384.34 milyon na ang naging multa sa TikTok sa Europe sa loob ng 15 buwan. Nu’ng Setyembre 2023 pinarusahan ng Ireland ang TikTok ng $368 milyon dahil sa kapabayaan sa mga batang gumagamit. Sa gan’un ding sala pinarusahan ng France ang TikTok ng $5.4 milyon nu’ng Enero 2023.

Tiniyak ng Italy ang pagkakasala ng TikTok. Pinalabas sa daan-daang videos ang mga batang ginagaya ang “French Scar Challenge”. Libu-libong bata ang nakapanood. Itinanggi ng TikTok ang kapabayaan, pero wala itong naipa­kitang pruweba ng pagiging inosente.           

Nakakakilabot ang “French Scar Challenge”. Matagal, mariin, at masakit na pinipisil ng bata ang magkabilang pingi hanggang magpantal ito. Ginagamitan pa ng kuko. Malalim, madugo ang nagiging sugat nila. Nagkakabukol ang cheekbones.

Pag-aari ang TikTok ni Chinese national Zhang Yiming. Produkto ito ng kompanyang ByteDance na itinatag niya sa Beijing nu’ng 2012.

Walang TikTok sa China. Douyin ang katumbas nitong app para sa 30-second videos.

Pam-propaganda ng China Communist Party ang Douyin. Ang mga videos ay tungkol sa kunwari’y kabu­tihan ng mga komunistang diktador at malupit na People’s Liberation Army. Pang-edukasyon din kuno ang Douyin. Pero panglahad ito ng ideyolohiya ng CCP.

Sa labas ng China nag-uulat ang TikTok ng balita’t opinyon. Pero panlinlang ito sa mga gumagamit. Ayon ito sa mga gobyerno ng Canada, US, Europe, Australia, at New Zealand. Bawal ito sa official devices.

Sa India bawal ang TikTok sa lahat ng personal at opis­yal na gadgets. Para ito sa seguridad ng mga indibidwal at gobyerno.

vuukle comment

TIKTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with