^

PSN Opinyon

Bilib talaga ba sila kay Xi Jinping?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SINAUNANG panahon pa pinagtatalunan kung ano ang mainam na pinuno—ang kinakatakutan o ang kinagigiliwan­. Kuwento ito ng Economist:

Hindi nagdadalawang isip ang mga lider ng China ma­nakot at manakit para manatili sa poder. Pero ginigiit din ng Communist Party na dapat sila ang mamuno dahil kesyo mahusay daw sila.

Ibinibida ng Beijing ang deka-dekadang kaunlaran ng ekonomiya, at surveys ng Harvard University nu’ng 2003-2016. Sa huling survey mahigit 90% ang nagsabing kuntento sila sa mga komunista.

Pero mahirap pulsuhan ang publiko sa China. Umiiwas ang Chinese pollsters sa mga kontrobersiyal na paksa. Pu­wede lang ang dayuhan, tulad ng Harvard, ku’ng ka-partner ang lokal na pollsters.

Hindi basta nagsasaad ng saloobin ang respondents. Maari silang makulong; sikilin ang pamilya, negosyo, pag-aaral, at pagbiyahe.

Kaya gumamit ng ibang estilong survey ang University of Southern California: ang “list experiment”. Lumabas na mas konti pala ang bilib sa Communist Party at kay Pre­sident Xi Jinping.

Hinati sa dalawang grupo ang online respondents. Ang mga nasa una ay pinakitaan ng tigatlong neutral na pangu­ngusap. Ang ikalawa ay siningitan ng tig-isang sensitibong pangungusap, tulad ng “Suportado ko si Xi Jinping” o “Pinakamahusay ang sistema ng China”.

Inalam sa respondents ku’ng ilan ang sinangayunan pero ‘wag ito basahin. Nakapagsaad sila ng opinyong pam­pulitika kahit paano. Minenos ang average ng unang grupo mula sa ikalawa. Nakalkula ang dami ng respondents na sumangayon sa sensitibong pangungusap.

Resulta nu’ng 2020: 50%-70% lang pala ang bilib sa ko­munista. Baka mataas lang ‘yon dahil nagkalat ang sur­veil­lance cameras sa buong China. Mahigit 40% ang nag­sabing takot sila magprotesta. Kalahati ay nagsabing hindi pinakamahusay ang sistemang China. Ang suporta kay Xi Jinping ay 65%-70% lang. Baka bumagsak pa nu’ng pandemya.

vuukle comment

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with