^

PSN Opinyon

Tips kapag pinupulikat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pulikat (cramps) ay ang biglaang paninigas ng muscle­ ng ating katawan. Kadalasan, dahil ito sa pagkapagod ng muscle, dehydration at muscle strain.

Minsan, naiipit ang nerve sa balakang o laging nakaipit sa isang puwesto ng matagal. Kapag kulang sa mineral ang katawan, tulad ng mababa sa potassium, calcium, at mag­nesium, puwede ring pulikatin.

Ang mga taong madalas pulikatin ay ang may edad, kulang sa tubig na iniinom, buntis at mga may sakit sa diabetes at thyroid.

First aid sa pulikat:

1. Stretch at imasahe – I-stretch ang bahagi ng muscle na namulikat o nanigas at dahan-dahang imasahe para ito ay ma-relax.

2. Hatakin ang paa – Para sa namulikat na binti o paa, i-deretso ng bahagya ang binti at hita. Kung hindi makatayo, umupo sa sahig o silya kasama ang iyong apektadong binti.

3. Hot o cold compress – Gumamit ng hot compress para mabawasan ang sakit ng pamumulikat.

Para maiwasan ang pulikat:

1. Uminom nang maraming tubig – Walo hanggang 10 basong tubig ang inumin araw-araw. Ang dami ng iinuming­ tubig ay depende sa iyong mga ginagawa, panahon at edad.

2. I-stretch ang muscle – I-stretch bago o pagtapos mo gamitin ang anumang bahagi ng muscle o kalamnan. Kung nagkakaroon ng pamumulikat ng binti sa gabi, mag-stretch muna bago matulog. Maaari itong makatulong upang ma­iwasan ang pamumulikat sa gabi.

CRAMPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with