^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Imbestigahan kaugnay sa ‘gentleman’s agreement’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Imbestigahan kaugnay sa �gentleman�s agreement�

Noong Martes, binomba at binangga ng China Coast Guard (CCG) ang BRP Datu Bankaw habang patungo sa Scarborough Shoal para dalhan ng ayuda ang mga ma­ngingisda. Walong beses binugahan ng tubig ang Datu Bankaw at saka binangga na ikinasira ng unahang bahagi nito. Wala namang nasaktan sa Datu Bankaw na ginagamit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang pag-water cannon sa Datu Bankaw ay walang ipinagkaiba sa mga nauna nang ginawa ng CCG sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG). Hindi na mabilang ang pag-water cannon at pagbangga ng CCG sa mga barko ng Pilipinas.

Ang mga ginagawang pagharang at pagbomba ng tubig ng CCG sa mga barko ng Pilipinas ay maaring may kaugnayan sa “gentleman’s agreement” nina dating Pre­sident Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sa kasunduan, pumayag daw si Duterte na hindi mag­dadala ng construction materials ang mga barko ng Pili­pinas sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal at bina­bantayan ng mga sundalong Pinoy. Iti­nanggi naman ni Duterte ang kasunduan. Wala rin daw siyang ipinamimigay na teritoryo.

Tamang-tama naman ang naisip ng mambabatas na si Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun­ na ipatawag ang mga dating­ Cabinet secretaries ni Duterte kaugnay sa imbestigasyon sa kontrobersyal na “gentlemen’s agreement” kaugnay ng isyu sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sabi ni Khonghun, sa inihain niyang House Resolution 1684 ‘in aid of legislation’ nais niyang paimbestigahan ang kasunduan na pinasok ni Digong sa pana­hon ng admi­nistrasyon nito kay Xi Jinping.

Binigyang diin ni Khonghun na dapat malinawan ang alegasyon na ang desisyon ni Duterte ay posible uma­nong na-bargain ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Ipursigi ang pag-iimbestiga sa “gentleman’s agreement’’ para maliwanagan ang sambayanan sa kontrobersiyang ito. Tiyak na malaki ang kaugnayan nang mga ginagawang pambu-bully ng China sa mga naghahatid ng supply sa Ayungin at ganundin naman sa mga naghahatid ng ayuda sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc.

Masyado nang naging agresibo ang China at nakikita na ang masidhing kamkamin ang teritoryo ng Pilipinas sa WPS. Pinatigas sila ng “gentleman’s agreement’’ na niluto nina Digong at Xi. Mayroong kasunduan na sila lang nagkakaintindihan.

Suportahan ang panawagan na imbestigahan ang sekretong deal.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with