^

PSN Opinyon

Dapat magpaliwanag

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA pinakabagong paggamit ng water cannon sa BRP Bagacay ng Philippine Coast Guard na magdadala ng suplay­ sa mga mangingisda sa Panatag Shoal, mas malakas na pressure ang ginamit kung saan nabaluktot ang bakal na barandilya ng barko. Isipin na lang kung tao ang tina­maan niyan. Nataon naman at may kasamang dayuhang mamamahayag ang BRP Bagacay na si Nicola Smith ng Telegraph Asia at naranasan niya ang ginawa ng China Coast Guard (CCG). Narinig daw niya ang sigaw ng mga tauhan.

Mabuti at may kasamang dayuhang mamamahayag ang misyon. Ngayon, alam na ng buong mundo ang kalupitan ng China sa mga Pilipinong nagdadala lamang­ ng ayuda at suplay. Ayon kay Commodore Jay Tarriela­, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea (WPS), mas tumindi ang pagsalakay ng mga barko ng CCG kum­para sa mga nakaraang misyon, lalo na kumpara noong nakaraang administrasyon ni President Duterte.

 Kaya dapat lang magpaliwanag ng mga opisyal ng dating administrasyon kung ano ang nilalaman ng sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ni Duterte at China hinggil sa WPS. Kung bakit mas agresibo na ang mga kilos ng CCG sa ating supply boats.  Ang tingin ba ng Beijing ay hindi tayo sumunod sa kasunduang iyan kaya ganyan sila kaagresibong kumilos? Paano kung may nasaktan, o may namatay? Kung nakakabaluktot ng bakal paano pa kung tao ang tinamaan?

Ipatatawag na ng Kongreso ang mga opisyal ng naka­raang administrasyon para magbigay liwanag sa “gentle­man’s agreement”. Iba-iba ang pahayag nila. May nagsa­sabing may kasunduan, may nagsasabing wala. Kaya ma­buti na at ipatawag silang lahat at doon na sila magpaliwanag, kung may ipapaliwanag sila.

Kinondena agad ng U.S. at Australia ang pinakabagong pag-water cannon. Pero ang tanong, hanggang kelan ang salita at kailan ang gawa? Hindi naman pumalag ang mga tauhan ng BRP Bagacay at BRP Datu Bankaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pag-water cannon, pati na ang tangkang harangin sila at pigiling makarating ng Panatag Shoal. Nanatili sila sa kanilang misyon. Pero dadating ang araw na baka kailanganin na ng tulong ng ating mga kaalyado.

 Kasalukuyang nagaganap ang Balikatan 2024 sa WPS. Minamanmanan sila ng mga barko ng Peoples Liberation Army Navy (PLAN). Sige nga, gamitan nila ng water cannon ang mga barko ng U.S.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with