^

PSN Opinyon

Divorce lapit nang maluto

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Tutulan man natin ang diborsiyo, kapag Ito’y naging­ batas ay mahirap nang pigilan. Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Representante ang absolute divorce bill.

Palibhasa, marami sa pagsasama ng mag-asawa ang umaasim sa dakong huli sa maraming dahilan. Kasama riyan ang pagtataksil, pananakit, psychological incapacity, kabaklaan o katomboyan at marami pang iba.

Iyan ang dahilan kung bakit maraming couples ang gustong mag-live in na lang. Pero komo tayo’y bansang Kris­tiyano, marami ang tumututol diyan. Ang kasal kasi ay pang­habambuhay na commitment ng babae at lalaki na sinum­paan sa harap ng Diyos.

Ngunit sakaling mapagtibay nang ganap ang bill, ang magagawa lang ng mga tagasalungat ay magprotesta sa Mataas na Hukuman pero malamang na mananalo pa rin ang pagpapatupad ng batas.

Napakadali kasing magpakasal lalo na sa mga kaba­­taan na sumapit na sa legal na edad. Marahil, dapat mag­karoon ng mga mahigpit na requirements sa mga ikinakasal upang tiyaking handa na sila emotionally at financial stable upang makapagtaguyod ng pamilya.

Sabi nga ng mga nakatatanda, ang pagsasama ay hindi parang kaning isusubo na iluluwa kapag napaso.

LIVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with