^

PSN Opinyon

Walang humpay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Wala pa ring humpay ang tindi ng init. Ilang araw suspin­dido ang pasok dahil sa sobrang init ng mga silid-aralan. Ka­wawa mga mag-aaral. Pumayag ang DILG na magsuot ng maninipis at magaang damit ang mga empleyado. Lahat gu­magawa ng paraan para magpalamig. Pero mahirap at pati buga ng electric fan ay mainit. Mga naka-aircon, napa­pailing na lang kapag natanggap na ang babayaring kur­yente.

Wala pang katiyakan kung kelan magtatapos itong matinding init ng panahon. Ang sabi ng PAGASA sa katapusan­ ng Abril. Pero mukhang hindi ito mangyayari. Kawawa rin ang mga kailangan magtrabaho sa araw, tulad ng mga nag-aayos ng kalsada o may kailangang gawin sa ilalim. Maha­laga ay marami silang iniinom na tubig. May mga hinimatay na estudyante.

Lahat nagsasabi na ito na ang pinakamainit na naranasan nila. Kaya babalik muli tayo sa usaping climate change. Natatandaan ko ang presidential debate noong 2016. Ang sabi ni dating President Duterte ay hindi siya handa sa mga hinihingi sa Pilipinas hinggil sa climate change dahil kailangan pa rin nating gumamit ng uling o karbon para maglikha ng kuryente. Hindi raw puwedeng bawasan ang paggamit dahil maliit na bansa pa tayo at paunlad pa lang. Kaya patuloy ang paggamit ng karbon para sa kuryente.

Hindi pa mahanap ang balanse para sa Pilipinas hinggil sa paggamit ng karbon pati na rin mga gatong mula sa langis. Maganda naman at marami na akong nakikitang sasakyang hybrid at de-baterya. Pero mga mayayaman lang ang nakakabili nito. Marami pa rin ang gumagamit ng diesel tulad ng mga sasakyang pampubliko. Alam ko sa katapusan ng Abril ay ang konsolidasyon ng lahat ng pampasaherong jeepney, na tinututol naman ng ilang grupong transportasyon.

Pinag-aaralan na ang mga alternatibong panggaga­lingan ng kuryente. Maganda sana ang solar kaya lang mahal naman. Pati nuclear energy pinag-aaralan na rin. Sigurado maraming tututol diyan. Pero kailangan nating tandaan na ang karbon ay nauubos, ang tubig sa mga hydroelectric na planta ay nauubos din o bumababa nang husto. Hindi walang hanggan ang suplay. Kaya kailangang bukas tayo sa lahat ng maaaring alternatibo, para makatulong na rin sa pagpigil ng climate change.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with