^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Menor de edad lulong na sa alak

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Menor de edad lulong na sa alak

KARUMAL-DUMAL ang sinapit ng isang 47-anyos­ na lalaki na pinatay sa saksak ng kanyang 15-anyos­ na stepson sa Bacoor City, Cavite noong Martes. Uma­wat­ lamang ang biktima sa pag-aaway ng stepson at kapatid­ nitong lalaki. Pero sa halip na makinig ang stepson­, kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang amain. Lasing­ umano ang suspect nang mangyari ang krimen.

Kamakailan, isang grupo ng mga kabataan sa Caloocan City ang nagrambulan dahil sa kalasingan. Nag-iinuman umano sa harap ng bahay ang mga kabataan dakong alas otso ng gabi nang mapadaan ang isang grupo ng mga kabataan at nagkatinginan. Kasunod ay nagrambulan na.

Halos ganito rin ang nangyari sa isang grupo ng mga kabataan na kinabibilangan ng mga lalaki at babae­ sa isang probinsiya sa Visayas. Nag-iinuman din ang mga kabataan nang magkapikunan at kasunod ay rambulan. Marami ang nasaktan.

Sa ginawang pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), manginginom na ng alak ang mga nasa edad 10 hanggang 19. Ayon sa DOST-FNRI humigit-kumulang 13.2 percent ng mga Pilipino sa pagitan ng edad na 10 at 19 ay umiinom ng alak. Ayon sa pag-aaral, 16.1 percent ay mga lalaki at 10.4 percent­ naman ang mga babaing umiinom ng alak. Ayon naman­ sa World Health Organization (WHO), ang mga kaba­taang manginginom ay nakakakonsumo ng isa o higit pang uri ng alak. Ayon pa sa WHO, ang pag-inom ng alak ang pangunahing dahilan nang pagkakasakit at maagang pagkamatay ng mga kabataang nasa edad 15 hanggang 49.

Isang panukalang batas ang House Bill No. 1753 (Anti-Underage Drinking Act) ang inihain noong Hulyo­ 11, 2022 upang itaas ang legal na edad para sa pag-inom ng alak. Nakasaad din sa panukalang batas na parurusahan ang mga magbebenta ng alak sa mga menor de edad.

Sinabi naman ng DOST na mahalaga ang papel  ng mga magulang para maiiwas sa maagang pag-inom ng alak ang kanilang mga anak. Dapat maipabatid ng mga magulang ang masamang kahihinatnan ng pag-inom ng alak.

Suportahan ang panukala para mailigtas ang kaba­taan sa pagkalulong sa alak. Hindi sila dapat maging alipin ng bisyong ito.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with