^

PSN Opinyon

TikTok napipintong ibawal sa Amerika

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabilis pinasa ng U.S. House of Reps ang panukalang magsasara sa TikTok ku’ng hindi nito putulin ang pusod sa China. Dapat ibenta ng may-aring ByteDance ang TikTok sa ibang nasyonalidad sa loob ng anim na buwan. Kundi’y ibabawal ito sa lahat ng devices sa U.S.

“Foreign-Adversary-Controlled Applications” ang pa­ma­­gat ng bill. Kada-diversify pa lang ng TikTok mula 30-second personal videos tungo sa paglahad ng balita’t komentaryo.

Nag-alala ang mga kongresistang U.S. sa datos na ginagamit ang TikTok sa pag-espisya sa mamamayan, at maari manlinlang ngayong kampanyang halalan ng pre­sidente.

Nasa U.S. Senate na ngayon ang panukala. Suportado ito ng Republicans at Democrats. Pangako ni President Joe Biden na pipirmahan agad ang batas oras na ipasa ng Senado.

Samantala, ibinunyag ng Canada na iniimbestigahan nito ang TikTok dahil sa banta sa personal at pambansang­ seguridad. Bukod sa balita’t opinyon, papasok na rin kasi ang TikTok sa e-commerce. Setyembre 2023 pa sinisiyasat ang plano ng TikTok na online shopping, anang Canada industry ministry.

Chinese national si Zhang Yiming na may-ari ng TikTok. Itinatag niya ang ByteDance sa Beijing nu’ng 2012. Kontrolado sina Zhang at ByteDance ng mga batas ng Communist China.

Sa 2017 National Intelligence Law ng China obligado lahat ng mamamayan at kumpanya tumulong sa pagmamanman sa loob at labas ng bansa. Obligado rin lahat isikreto ang pagsali nila sa pag-eespiya na inutos ng Chi­nese Communist Party.

May algorithms ang TikTok para kunin ang personal na impormasyon sa ginagamit na device. Nasusuri nito ang mga hilig ng gumagamit, pati pananaw pampulitika. Sa Europe matagal nang bawal i-download ang TikTok sa devices ng gobyerno.

vuukle comment

TIKTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with