^

PSN Opinyon

China bukod-tanging mandurugas ng dagat

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISINA-KATUPARAN nu’ng 1982 ang United Nations Convention on the Law of the Sea. Tinakda ng pandaigdigang batas ang karapatan at limitasyon ng bawat bansa na may dagat.

Lahat ay may teritoryong dagat hanggang 12 nautical­ miles mula pampang. Hindi ito maari pasukin ng iba na walang permiso sa bansa.

Lahat ay meron ding exclusive economic zone hanggang 200 nautical miles mula pampang. Maari mangisda at magmina ng langis at gas ang mga bansa sa sari-sari­ling EEZ. Bawal manghimasok sa isa’t isa.

Ginawang patas ng UNCLOS ang mga karagatan. Nu’ng sinaunang panahon tinuring ng mga Romano na kanila ang Mediterranean. “Mare Nostrum (Dagat Namin)” ang tawag nila roon. Nu’ng siglo 1500s pinaghatian ng Spain at Portugal ang Pacific. Nu’ng siglo 1700 inangkin ng Britain ang Atlantic.

Ngayon wala na dapat lamangan. Pero namumukod-tangi ang Communist China sa makalumang pagsosolo ng dagat.

Magulang ang China. Sumali siya sa UNCLOS nu’ng 1982 para respetuhin ng ibang bansa ang teritoryong dagat at EEZ niya. Niratipika ng National People’s Congress nu’ng 1996 ang pagsali nila sa UNCLOS.

Pero nu’ng 1998 biglang isinabatas ng NPC ang uma­no’y­ 9-dash line o boundary ng dagat ng China. Sinakop ng batas halos 90% ng South China Sea. Sinaklaw pati EEZs ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam.

Nu’ng 2012 inagaw ng China ang Panatag Shoal ng Pilipinas. Pinasya ng arbitral court nu’ng 2016 na labag ‘yon sa UNCLOS. Ayaw tanggapin ng China ang pasya.

Mas abusado pa ang China ngayong natalo sa arbitral case. Inaangkin na lahat ng bahura at dagat sa loob ng EEZ ng Pilipinas sa South China Sea. At hindi lang 9-dash line ang batayan niya. Nag-imbento pa siya ng bago niyang ten-dash line.

vuukle comment

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with