^

PSN Opinyon

Ang Pagbibinyag kay Hesus

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYONG araw na ito natatapos ang panahon ng Kapaskuhan. Ngayon din ang bagong taon sa kalendaryo na itinalaga ng sangka-Kristiyanuhan na sinimulan at pinagtibay ni Pope Gregory XIII, ayon sa lumang tala-arawan ni Julius Caesar na bumuo ng 365 1/2 na araw. Si Pope Gregory din ang nagpatibay sa kapanganakan ni Hesus. Ito rin ang simula ng Anno Domini (A.D.) taon ng Panginoon.

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ng Pagbibinyag kay Hesus. “Nabuksan ang kalangitan at bumaba sa Kanya ang Espiritu Santo.” Ngayon pinagtitibay ni Pope Francis ang kapangyarihan ng simbahan at ang ating paglilingkod sa mahihirap at mahina sa daigdig. Pahayag ni Propeta Isaias, “Sila’y manumbalik, lumapit sa Panginoon upang kahabagan, at mula sa Diyos, matatamo nila ang kapatawaran.”

Sa pagbisita ni Pope Francis sa Enero 15-19, papanibaguhin natin ang pagtalima sa Diyos at kahabagan ang mga nangangailangan. Isapuso natin ang sinabi ni Juan Bautista: “Darating na kasunod ko ang Isang makapangyarihan kaysa akin. Hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng Kanyang mga panyapak.” Isabuhay natin ang sinasabi ni Pope Francis upang muli tayong binyagan ng Espiritu Santo.

Magsama-sama sa Pambansang Panalangin sa panahon ng pagdalaw ni Pope Francis. Siya ang kinatawan ni Hesus sa daigdig. Siya ang pinuno na mapagmalasakit sa mga nangangailangan. Ipanalangin natin siya upang mapagtagumpayan ang kanyang misyon sa lahat ng tao sa daigdig.

Panginoon, sama-sama po kaming nananalangin upang kahabagan at patawarin Mo sa mga nagawa naming kasalanan.

Isaias 55:1-11; Salmo 12; 1Juan 5:1-9 at Marcos 1:7-11

* * *

Happy Birthday to Bishop Cirilo Almario at Teo­dorico Esposa, UK.

vuukle comment

ANNO DOMINI

BISHOP CIRILO ALMARIO

DIYOS

ESPIRITU SANTO

HAPPY BIRTHDAY

HESUS

JUAN BAUTISTA

PANGINOON

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with