^

PSN Opinyon

Kakaibang sex: Masama ba?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Dok, masama ba ang oral sex?

Hindi masama ang oral sex kung ikaw at ang iyong partner ay parehong malusog. Siguraduhing walang vaginal discharge ang babae at walang impeksiyon ang lalaki. Maligo maigi at maging malinis sa katawan. Pagkatapos mag-sex, magmumog ng bibig at lalamunan ng isang mouthwash. Uminom din ng kalahating basong tubig para mahugasan ang lalamunan. May isang pagsusuri sa America na nagsasabi na 50% ng mga edad 60 pataas ay nakikipag-oral sex pa sa kanilang partner.

Dok, masama ba ang anal sex o gay sex?

Oo, masama. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, dating presidente ng Philippine College of Surgeons, masama ang anal sex o iyung pagpasok ng ari ng lalaki sa puwit ng kapwa lalake o babae. Sabi ni Dr. Gatchalian, marumi ang looban ng puwit (rectum) at marami itong bacteria. Napatunayan sa pagsusuri na ang anal sex ay nagdudulot ng sexually-transmitted diseases tulad ng AIDS, genital warts, anal warts at HPV virus. Sa anal sex, napupunit ang balat ng puwit kaya nakakapasok ang mga impeksyon dito.

Ang puwit ay hindi ginawa para sa sex. Ngunit kung hindi n’yo ito maiwasan, puwedeng gumamit ng condom para may proteksyon laban sa AIDS.

May sexual position ba na dapat iwasan kapag nagse-sex­?

Oo, mayroon. Huwag maging ma-eksperimento o acrobatic sa kama at baka mapilay ang iyong likod at balakang. Para sa may sakit sa likod, ang pinapayong posisyon ay ang paghiga ng nakatihaya para hindi mapilay ang likod. Hayaan na lang ang mas malakas na partner ang magtrabaho sa ibabaw. 

Para maging masigla sa sex, mag-ehersisyo araw-araw para lumakas ang katawan. Sa ganitong paraan, gaganda rin ang sex life niyo. Good luck.

AYON

DOK

DR. EDUARDO GATCHALIAN

DR. GATCHALIAN

HAYAAN

OO

PARA

PHILIPPINE COLLEGE OF SURGEONS

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with