Pati NAIA dangerous na
NANINIWALA ako na ang determinadong mamamatay tao ay hindi mapipigilan sa kanyang balak na patayin ang sino man.
Ngunit kung ang pagpatay ay magaganap sa isang lugar na alam nating well-secured tulad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) palagay ko ay wala nang lugar sa Pilipinas na magiging ligtas at kampante ang isang tao. Batid naman natin na kahit mga pangkaraniwang tao ngayon ay itinutumba ng mga riding-in-tandem. Parang dalawa-singko o mamera na lang ang buhay ng tao.
Batid din natin na bago ka makapasok sa departure o arrival area ng paliparan ay dumaraan pa sa scanner ang lahat ng gamit tulad ng mga cell phone, bags, sapatos bukod pa sa body search na gagawin sa iyo.
Tiyak na masakit ngayon ang ulo ng kaibigan nating si NAIA general manager Bodet Honrado.
Kahapon ng umaga, “NAIA-ri†ng mga assassin na umano’y nakasuot pulis ang alkalde ng isang bayan ng Labangan, Zambo Sur sa isang ambush na pumatay rin sa kanyang asawa at dalawang iba pa. Naganap mismo ang madugong insidente sa arrival area ng NAIA. Grabe, magpapasko pa naman!
Kamakalawa naman, naging biktima rin ng pamamaril sa harapan ng kanyang bahay sa BF Homes sa Las Piñas ang misis ng abogadong si Raymond Fortun na mabuti’y naagapang dalhin sa pagamutan.
Sa kasamaang-palad, nasawi si Mayor Ukol Talumpa at apat na iba pa kasama ang kanyang asawa, samantalang apat pa ang sugatan. Naging target na rin umano si Talumpa ng isang bigong pagpatay noong taong 2012 sa Pagadian City nang hagisan siya ng granada. Tingin ko may security lapse na nangyari. Kung ang alkaldeng ito ay naging target na ng pagpatay, dapat ay maagap na nakapaglatag ng security measures sa paliparan.
Ngunit may natunugan mang panganib o wala, talagang dapat mahigpit palagi ang seguridad sa ano mang paliparan o daungan. Paano’ng nakalusot ang mga armadong tao sa paliparang ito.
Sigurado, ang sagot ng pamahalaan niyan ay “we will conduct a thorough investigation into the matter.†Sana maibalik ng pagsisiyasat ang buhay ng napaslang na alkalde.
- Latest