Gaudete, tayo’y magsaya!
NGAYON ang ika-tatlong linggo ng Adbiyento. Muli tayong pinaaalahanan ni Isaias na darating ang Panginoon Diyos kaya huwag tayong matakot, lakasan ang ating loob at magsaya. Umawit tayo ng papuri at tayo’y paghaharian ng kaligayahan. “Halina, Panginoong Diyos upang kami ay matubosâ€. Magtiyaga tayo hanggang sa pagdating ng Panginoon. Sinasabi ni Isaias na sa ating paghahanda sa pagdating ng Panginoon ay masigla tayong umawit ng papuri sapagka’t paghaharian tayo ng kaligayahan at ang ating lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak.
Ang ating paghihintay ngayon ay hindi lamang sa darating na kaarawan ni Hesus kundi ang ikalawa Niyang pagdating. Muli Siyang ipapadala ng Ama upang tayo ay kunin na Niya upang dalhin sa buhay na walang hanggan. Kaya paghandaan natin ito sa pamamagitan ng pagsisisi at pagpapakabanal. Kung ating mapapansin, simula pa noong unang linggo ng Adbiyento ay tuluy-tuloy ang paalaala sa ating pagsisisi.
Sinabi ni Apostol Santiago na huwag maghinanakit at buong tiyaga tayong magtiis ng kahirapan, malapit nang dumating ang hukom. Ang pagpapakilala ng sariling adhikain ay napakahalaga. Ito ang puno’t dulo ng kakayanan at magagawa nating kabutihan. Tularan natin ang mga propeta nagsalita sila sa ngalan ng Panginoon at buong tiyaga silang nagtiis ng kahirapan.
Sa ating pang-araw-araw na buhay, lubusan tayong manalangin sa Panginoon, humingi ng tawad sa ating mga kasalanan. Huwag na nating tanungin ang Panginoon kung ano ba ang maibibigay Niya sa ating pangangailangan. Siya ang lumikha sa atin at alam Niya ang Alpha et Omega ng ating buhay. Huwag na nating tularan si Juan Bautista na nagpatanong pa kay Hesus kung Siya na ba ang ating Manunubos.
Isapuso natin ang sagot ni Hesus sa sugo ni Juan Bautista: “Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita.†Bulag nakakita, pilay nakalakad, ketongin gumaling, bingi nakarinig, patay muling nabuhay at ang Mabuting Balita ay inyong ipinangaral. Ito ang tunay na sagot na puno ng katotohanan, kaya tibayan natin ang ating pananampalataya kay Hesus.
Isaias 35:1-6a, 10; Salmo145; Santiago 5:7-10 at Mateo 11:2-11
- Latest