^

PSN Opinyon

Paano aalagaan ang baga?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MAPALAD kaming maging panauhin si Dr. Raymund Fernandez, isang magaling na pulmonologist (espesya-lista sa baga) sa aming radio program sa DZRH. Pinag-usapan namin ni Dr. Fernandez ang lahat ng bagay na magpapalakas sa ating baga. Heto ang ilan sa kanyang mga payo:

Itigil na ang paninigarilyo. Tama na. Sobra na. Ito ang numero unong sanhi ng pagkasira ng baga.

Umiwas sa usok ng sigarilyo. Kapag ang kasama mo sa bahay ay naninigarilyo, makukuha mo rin ang masamang epekto nito.

Umiwas sa mga usok ng sasakyan at huwag din magsiga sa bakuran.

Kung ika’y nagmomotorsiklo, magsuot ng face mask o helmet para hindi ubuhin.

Mag-ingat sa peligro sa trabaho. Halimbawa, kung ika’y isang mananahi, welder, pulis o pintor, mag-ingat sa balahibo ng mga damit, usok ng welding at amoy ng pintura. Magsuot ng face mask, goggles o helmet.

Kung ika’y may allergy, umiwas sa pagkain na nakaa-allergy sa iyo.

Siguraduhing malinis ang iyong kuwarto at maganda ang daloy ng hangin.

Palakasin ang iyong masel sa dibdib. Mag-ehersis­yo gamit ang 1 o 2 kilong dumbbell sa bawat kamay. Palakasin ang masel sa leeg, balikat at dibdib para mas makahigop ng hangin.

Huwag umasa sa supplements. Hindi pa ito napatunayan na epektibo.

Kumain ng masustansya tulad ng mga prutas, gulay at isda. Matulog din nang sapat.

 Para sa mga may sakit na sa baga tulad ng emphysema, COPD at tuberculosis, may paraan para makahinga ng mas maluwag:

1. Matulog ng may 2 o 3 unan. Kapag ang likod mo ay nakalapat sa kama, nababatak ang iyong baga at mas hindi ito makakakuha ng ha-ngin.

2. Habang ika’y naka­upo, subukan ang puwes­tong nakayuko at nakatango. Kumuha ng isang silya o mesa sa harap mo at ipatong ang iyong braso at ulo dito. Sa ganitong paraan, mas makahihigop ka nang ma­raming hangin.

3. Huminga na gamit ang masel ng tiyan. Paghigop ng hangin, subukang palakihin ang tiyan at hindi ang dibdib. Mas malakas ang paghatak ng masel sa bandang tiyan (ang diaphragm).

4. Magbakasyon sa lugar na mahangin. Pumunta sa tabing dagat o lugar na ma­raming puno. At siyempre, kumunsulta sa inyong doktor!

vuukle comment

DR. FERNANDEZ

DR. RAYMUND FERNANDEZ

HABANG

HALIMBAWA

HETO

KAPAG

MATULOG

PALAKASIN

UMIWAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with