^

PSN Opinyon

LP mayoralty candidate, hindi sinuportahan ni P-Noy at Roxas

SABI NI BUBWIT - Deo Macalma - Pilipino Star Ngayon

ALAM n’yo bang sob­ra  ang lungkot ng isang opis­yal ng Libe­ral Party na kandidato sa pagka-mayor dahil hindi siya sinuportahan ng top officials ng kanilang partido?

Ayon sa aking bubwit, sobra ang hinanakit ni mayor dahil ang sinuportahan pa ng mga lider ng LP na si President Aquino at DILG Sec. Mar Roxas bilang presidente ng partido ay ang kanyang kalaban. Ang nakalaban ni mayor ay miyembro naman ng Nationalist People’s Coalition.

Ang malupit pang nangyari kay mayor ay ang ginawa ni Presidential sister Kris Aquino. Noong kampanya, pumunta si Kris Aquino sa kanilang lugar at ikinampanya pa ang kalaban ni mayor na si incumbent Gov. Junjun Ynares.

Ang kalaban ni ma-yor na taga-NPC ang sinuportahan ng liderato ng LP sapagkat ito ay miyembro ng maimpluwensiyang political dynasty sa kanilang probinsiya.

Ayon pa sa aking bubwit, dahil parang pader ang binangga ni mayor, nakiusap siya sa Malacañang at kay Roxas na kahit konting endorsement man lang ay ibigay sa kanya.

Humirit pa si ma-yor na kahit voice tape man lang sana na endorsement mula kay P-Noy at Roxas subalit  tinabla pa rin si mayor.
      Ayon sa aking bubwit, ang city mayor na local officer ng LP subalit hindi sinuportahan ng kanilang liderato ay si Mayor Danilo Leyble ng Antipolo City.

Ang isa pang kandidato naman sa pagka-governor sa Rizal pro-vince  na opisyal din ng LP subalit hindi rin sinuportahan ng kanilang liderato ay si Steve Salonga. Ang anak ng LP founder na si dating Sen. Jovito Salonga.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

JOVITO SALONGA

JUNJUN YNARES

KRIS AQUINO

MAR ROXAS

MAYOR

MAYOR DANILO LEYBLE

NATIONALIST PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with